Ivana Alawi, sinorpresa ang kapatid ng iPhone 11 Pro Max

Matapos i-prank, sinorpresa ni Ivana Alawi ang nakababatang kapatid na si Mona Louise ng isang iPhone 11 Pro Max.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/16/2019 11:38 AM
Ivana Alawi, sinorpresa ang kapatid ng iPhone 11 Pro Max


Photo credit: @realmonalouise IG

Emosyonal na tinanggap ng nakababatang kapatid ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi ang regalong iPhone 11 Pro Max. Sa YouTube vlog nito nitong October 11, pinakita ni Ivana ang nakakaaliw na pag-prank niya kay Mona Louise bago sorpresahin ng dream phone nito.

"She was the person who introduced me to YouTube... Tapos yung taga-video ko, siya yung taga-edit ko," sabi ni Ivana sa naturang vlog.

Dagdag ni Ivana, malaki ang naging papel ni Mona sa tagumpay ng kaniyang YouTube channel ngayon. "She is so supportive, she's the best and ngayon isu-surprise natin siya. [Binilhan] ko siya ng iPhone Pro Max. That's her dream phone. She was saving for it, pero hindi daw kasya yung pera niya," ani ng aktres.

Sa kunwaring 'speed eating challenge' gulat at naiiyak na tinanggap ni Mona Louise ang bago niyang iPhone 11 Pro Max niya.

Panoorin ang buong vlog dito:

Umabot na nang mahigit 2.2 million views ang naturang vlog sa loob ng limang araw.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Meet my bestfriend 👯‍♀️#Sisters

A post shared by Mona Alawi (@realmonalouise) on

 

May sariling YouTube channel rin si Mona, kung saan ay may 190 thousand subscribers na.