• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bables, muling nag-uwi ng international acting award

Christian Bables, muling nag-uwi ng international acting award

Balik Pilipinas ang Kapamilya actor na si Christian Bables matapos tumanggap ng bagong international acting award mula sa 2019 Asian Pop-Up Cinema sa Chicago.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/16/2019 11:32 AM
Christian Bables, muling nag-uwi ng international acting award


Pinatunayan muli ni Christian Bables ang pagiging internationally-acclaimed actor niya matapos tumanggap ng Bright Star Award mula sa 2019 Asian Pop-Up Cinema sa Chicago nitong October 3, para sa pelikulang Signal Rock.

Ayon kay Christian, hindi niya inaasahan ang malaking pagtanggap ng international film viewers sa kaniyang performance sa nabanggit na pelikula, na lumaban sa labing-isa pang ibang pelikula mula sa iba't ibang panig ng Asya.

"The founder herself si Ms. Sophia Boccio, napanood niya yung Signal Rock, nung nag-screening kami sa Udane, Italy. Tapos doon niya nakita yung performance ko tapos yun.

"Akala ko simpleng awarding lang, akala ko simpleng certificate. Pero ang laki niya pala. And gumawa sila ng three-day event just for me. Ganoon siya kalaki. Hindi ko ineeexpect na grabe yung pagtanggap nung mga Americans," kuwento ni Christian sa panayam ng press kahapon, October 15.

 

 

Pagpapatuloy ng aktor, ang three-day event na pinuntahan niya sa Chicago ay laan lamang para sa kaniya, kung saan ay nagkaroon ng special screening ng Signal Rock, interview mula sa Hollywood press, at Awards Night.

Bukod dito, isa pang Best Actor Award ang tinanggap ni Christian Bables mula sa Urduja Film Festival sa Pangasinan, para sa pagganap sa parehong pelikula. Sa kaniyang Instagram post kahapon, ay ibinahagi ng aktor naturang tropeyo.

 

 

Nang tanungin kung nararamdaman ba ni Christian kung gaano na kataas ang kaniyang antas bilang aktor, "Ang award ay hindi makakapag-define kung sino ka as an actor. Hindi nito made-define kung ano ako as a person and as an actor. I'm thankful that I was recognized, but it will never define me as an actor.

"Tropeyo lang ito, hindi ito ang batayan. Ang batayan ay good character pa rin. Ang batayan ay kung papano mo [hinuhusayan] ang iyong craft, [hinuhusayan] ang sarili mo with your co-actors, papano ka makitungo sa mga tao," paliwanag ni Christian.

READ: EXCLUSIVE: Christian Bables, nakatakdang tumanggap ng Best Actor Award sa Chicago

WATCH: What Christian Bables did after finding out Jane de Leon is the new Darna

Maaalalang nitong taon ding nakatanggap si Christian ng Best Leading Actor Award mula sa Hanoi International Film Festival para sa parehong pelikula.

Sa ngayon, naghahanda si Christian para sa bagong serye sa Kapamilya Network kasama sina Bea Alonzo, Richard Gutierrez, Rafael Rosell, at Jameson Blake.