• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez, nakatanggap ng bulaklak mula sa Louis Vuitton matapos makaranas ng diskriminasyon

Regine Velasquez, nakatanggap ng bulaklak mula sa Louis Vuitton matapos makaranas ng diskriminasyon

Regine Velasquez, ikinuwento na minsan na siyang nakaranas ng diskriminasyon nang gustuhin niyang bumili ng sapatos.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/15/2019 10:19 AM
Regine Velasquez, nakatanggap ng bulaklak mula sa Louis Vuitton matapos makaranas ng diskriminasyon


Kamakailan ay naging viral ang vlog ni Regine Velasquez-Alcasid matapos ipakita ang kanyang koleksyon ng iba’t ibang mga sapatos at ikinuwento niya na nakuha niya ang isang branded heels na nagustuhan niya ngunit nakaranas muna siya ng diskriminasyon.

Sa Tonight with Boy Abunda, muli itong ikinuwento ng Asia’s Songbird at sinabing, “Pintuan pa lang, hindi na ako pinapasok.

“Sabi niya, ‘No, I don’t think we have your size. Atsaka nakaharang talaga siya doon. Sa akin, okay, if you don’t want to entertain me, I’ll find somebody else [to accommodate me], at papakita ko talaga sa kaniya, bibilhan ko ‘yung tao na ‘yon. Iyon na lang ang comeback ko!” kwento ni Regine.

Matapos nito ay sinabi ng host na si Boy Abunda na “inhuman” iyon at hindi dapat pinipili ang pagtrato base sa kung saang bansa man ito galing na siyang sinang-ayunan ni Regine at ni Sharon Cuneta na nakaranas din ng diskriminasyon sa Hong Kong nang bumisita siya sa isang boutique ng Cartier.

“[My outfit] was very simple, shirt lang and jeans. I said, ‘Excuse me.’ ‘I’m not finished yet!’ I was so angry, there was another sales rep who was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry,” kuwento ni Megastar.

Ayon naman sa management ni Regine, nagpadala ng mga bulaklak ang management ng Louis Vuitton matapos ihayag ng Asia’s Songbird ang kanyang naging karanasan sa New York.