• Home
  • Fresh Scoops
  • Miho Nishida, handa na nga ba sa kanyang pagbabalik-showbiz?

Miho Nishida, handa na nga ba sa kanyang pagbabalik-showbiz?

Ibinahagi rin ni Miho Nishida ang dahilan ng kanyang biglang pamamahinga sa trabaho.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/15/2019 12:21 PM
Miho Nishida, handa na nga ba sa kanyang pagbabalik-showbiz?


Photo credit: @real.miho_nishida IG

Handang handa na ang former Pinoy Big Brother housemate na si Miho Nishida sa kanyang muling pagbabalik showbiz matapos ang halos isang taon na pamamahinga sa trabaho.

Kuwento ni Miho mas pinili niya na magpahinga para matutukan ang kanyang kalusugan.

“Hindi naman ako totally nagbakasyon, mas pinili ko rin na mag rest dahil sa health ko rin, nahpahinga ako,” tugon ni Miho sa naganap na Asvel event kung saan isa siya siya sa mga brand ambassador.

“Nagpahinga ako kasi ‘yung nose ko rin kasi, nagpagawa ako ng twice, so ‘yung pangalawa gusto ko rin kasi na mas maigi na siya gumaling, gusto ko mag totally healed na siya.”

Dala nang panawagan ng kanyang mga fans na umaasa sa kanyang pagbabalik, minabuti umano ng former PBB housemate na balikan ang industriya na kanyang minahal.

“Yung mga fans ko, still andyan sila. So parang na touch ako doon na parang ‘ay baka kailangan nila ako.’ Kumbaga gusto ko ulit bumangon at ma challenge sa mga madaraanan ko,” ani Miho.

At kasabay ng kanyang pagpapahinga, isa rin sa tinutukan ni Miho sa kanyang pahinga ang pag-move on sa kontroberysa na kanyang pinagdaanan noon sa relasyon niya kay JV Kapunan.

Matatandaan na naging mainit ang usapin noon kay Miho at singer na si Young JV matapos ang napabalitang biglang hiwalayan ng dalawa.

READ: Have Young JV and Miho Nishida gone on their separate ways?

“Yun na nga medyo maingay noon medyo nawala ako, pero andyan pa rin ngayon ang mga fans ko na hindi ako iniwan at na realize ko na baka kaya ko pa, kaya ko pang bumangon ulit at gusto ko pang i-try ulit,” pahayag pa ni Miho.

Sa ngayon, umaasa si Miho na mainit pa rin na suportahan ng kanyang mga fans ang kanyang mga inihahandang proyekto mapa pelikula man o telebisyon.