Loisa Andalio, 6 milyon na ang followers sa Instagram

Masayang inanunsyo ng Kapamilya star na si Loisa Andalio na pumalo na sa anim na milyon ang kanyang followers sa Instagram.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/15/2019 3:45 PM
Loisa Andalio, 6 milyon na ang followers sa Instagram


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram

Masayang inanunsyo ng Kapamilya star na si Loisa Andalio na pumalo na sa anim na milyon ang kanyang followers sa Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

happy 6M! 🦄

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

Kabilang ang aktres sa mga local celebrities na may maraming followers sa sikat na image-sharing app.

Una na sa listahan si Anne Curtis na may 11 million followers, pangalawa si Liza Soberano na may 9 million, at pangatlo si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na may higit 8 million.

Sa kasalukuyan ay naghahanda pa rin si Loisa, na huling napanood sa seryeng The General's Daughter, para sa kanyang papel sa pelikulang James and Pat and Dave. Makakasama niya rito ang nobyo na si Ronnie Alonte, pati na ang aktor na si Donny Pangilinan.