• Home
  • Fresh Scoops
  • Gabby Concepcion siguradong tuloy na ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta

Gabby Concepcion siguradong tuloy na ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta

Sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na rin ang magiging producer ng pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/15/2019 12:15 PM
Gabby Concepcion siguradong tuloy na ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta


Malaking bagay para sa aktor na si Gabby Concepcion ang naging pag-uusap nila ng kanyang original na ka-love team na si Megastar Sharon Cuneta sa isang event.

Kasunod ng pag-uusap nila ang pagkabuo ng kanilang plano para sa napipintong reunion movie nila ni Megastar.

“Okay na, nakapag-usap na kami, positive naman,” kuwento ng aktor sa naganap launch ng Beautèderm kung saan isa siya sa mga bagong brand ambassador.

“Hinihintay na lang namin na matapos ang mga shows niya,” patuloy pa ni Gabby.

Ayon pa sa aktor, matagal na niyang nais na tapusin ang gusot sa pagitan nila ni Sharon pero hindi lang nagkakaroon ng tamang pagkakataon.

“Noong araw ko pa naman na ginigusto kong maging okay na kami, nagkakaroon lang ng misunderstanding, misinterpretations, mixed emotions, different feelings, pasok dito, (left ear) labas dito (right ear), pero ngayon, nakapag-usap na kami ng  ami lang dalawa, wala nang iba, kaya nabuo ang plano namin na sana matuloy,” paliwanag ni Gabby.

At sa napipintong pagkakatuloy ng kanilang reunion movie, ayon sa aktor sila na mismo ni Sharon ang magiging producer nito sa tulong ng malalakjng film outfit sa Pilipinas.

“We don’t know yet, pero pinag-uusapan namin na kami nalang. Pero of course, kailangan rin namin ng ibang producers, para everybody happy, magkakatulungan, hindi mo naman pwede solohin so magkakaroon ng major producers,” pahayag ni Gabby.

Huling nagsama sina Sharon at Gabby sa pelikulang Tayong Dalawa taong 1992.