EXCLUSIVE: Elisse Joson, masaya sa pagiging single ngayon

“The best thing about being single is enjoying life with your friends, learning about yourself, and enjoying time with your family,” pahayag ni Elisse Joson.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/15/2019 11:10 AM
EXCLUSIVE: Elisse Joson, masaya sa pagiging single ngayon


Photo credit: @elissejosonn IG

Matapos aminin ang tunay na estado ng relasyon niya kay Jameson Blake, masayang ibinahagi ni Elisse Joson sa PUSH ang pagiging single niya ngayon.

READ: Elisse Joson, nilinaw na ‘tropa’ lang sila ni Jameson Blake

Sa exclusive interview sa aktres, sinabi nitong ang pinakamagandang bagay sa pagiging single niya ngayon.

"The best thing about being single is enjoying life with your friends, learning about yourself, and enjoying time with your family," ani Elisse.

Pokus ang aktres sa kaniyang career ngayon sa showbiz, at pagnenegosyo. Sa edad na 23, isang restaurant ang pinapatakbo ngayon ni Elisse katulong ang kaniyang ina.

"Parang sa akin, tine-take ko lang [ito] as something na experience for me. Other than income or whatever, mas gusto kong matutunan [ang business] kaysa sa thinking na gusto kong kumita. So sa akin, natutuwa lang naman ako na nagsa-succeed naman, though mahirap siya," paliwanag ng aktres.

 

 

READ: Elisse Joson, nais patunayan na kaya niyang mag-isa

Mapapanood din si Elisse sa teleseryeng Sandugo, kung saan ay kapareha niya si Ejay Falcon. Bilang isa sa mga Kapamilya actress na walang permanenteng ka-love team sa ngayon, isang advantage daw ito para kay Elisse.

"Kasi sa bawat nakaka-trabaho [ko], maraming natututunan sa kanila, iba iba. So okay din yun, advantage din yun, as an actor," sagot ng aktres sa PUSH.