Bernadette Sembrano may paalala sa mga milk tea lovers

May napansin si Bernadette Sembrano na kakaiba sa iniinom na milk tea ng kanyang asawa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/15/2019 11:44 AM
Bernadette Sembrano may paalala sa mga milk tea lovers


Photo credit: @bsaguinaldo IG

Nagbigay paalala ang TV Patrol news anchor na si Bernadette Sembrano sa kanyang Instagram para sa mga milk tea lovers matapos may mapansing may kakaiba sa iniinom na milk tea ng kanyang asawa na si Emilio Aguinaldo IV.

“To milk tea lovers — what do you think that black thing is? Ewwwww. Na-higop ni asawa!!! (the milk tea company replied na - they will investigate daw. This is in Greenbelt Makati),” ani Bernadette.

 

 

Kaagad namang nag-react ang kanyang kasamahan sa industriya at ilang netizens din ang nagsabi na mukhang ‘ipis’ ang nasa inumin ng kanyang asawa.

Nagbigay komento din ang kasamahan niyang reporter na si Nina Corpuz at sinabing mukhang hindi na raw siya bibili ng milk tea matapos makita ang post ni Bernadette. Sinang-ayunan ito ng isang netizen at sinabing, “After your post do you think people will still go? You should have not posted at all. When you posted this, what did you have in mind?”

“I don’t regret posting about it dear. It’s a warning to all. How people will react is up to them. Point is, we all have to be careful. I will go back because nakita ko naman the intent to fix it, and I love milk tea. It’s not a first time that companies were involved in controversies by the way—especially food handling kasi mahirap talaga—but what is important is owning up to your mistake and making it better,” sagot ng TV news anchor.

Kaagad namang umaksyon ang kumpanya kung saan nila binili ang inumin at pansamantalang ipinasara ang kanilang shop sa Makati para sa isang “sanitary inspection.” Sagot na rin daw nila ang pangpagamot ng kanyang asawa.

“So far ok pa naman kami. Thank you po for taking action,” pahayag ni Bernadette.