• Home
  • Fresh Scoops
  • Mga Kapamilya Stars, wagi sa 33rd PMPC Star Awards for Television

Mga Kapamilya Stars, wagi sa 33rd PMPC Star Awards for Television

Narito ang listahan ng Kapamilya stars at shows na nagwagi sa 33rd PMPC Star Awards for Television.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/14/2019 9:17 AM
Mga Kapamilya Stars, wagi sa 33rd PMPC Star Awards for Television


Ginawaran ang ilang Kapamilya stars at shows sa naganap na 33rd PMPC Star Awards for Television, nitong gabi ng Linggo, October 13 sa Henry Lee Irwin Hall sa Ateneo De Manila University.

Nakatanggap ng Best Drama Actress Award si Angel Locsin para sa The General's Daughter, na nanalo ding Best Primetime TV Series. Sa parehong serye din nakatanggap ng Best Drama Supporting Actor si Arjo Atayde, at Best Drama Supporting Actress naman para kay Janice De Belen.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#PMPCStarAwards: The General’s Daughter wins Best Primetime Series here at the 33rd PMPC Star Awards for TV.

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Best Drama Supporting Actor naman ang naiuwi ni Enchong Dee para sa pagganap niya sa Maalaala Mo Kaya Wheelchair episode. Best Child Performer si Sophia Reola dahil pagbida niya sa Nang Ngumiti Ang Langit. Best New Female TV Personality naman si Ivana Ilawi sa pagganap niya sa seryeng Mea Culpa: Sino Ang May Sala.

German Moreno Power Tandem of the Year ang iginawad sa tambalan nila Maymay Entrata at Edward Barbers.

Nag-uwi ng dalawang awards si Korina Sanchez, para sa Best Magazine Show na Rated K, at bilang Best Magazine Show Host.

 

 

Tinanggap naman nila Bimby at Josh ang parangal para sa ina na si Kris Aquino, matapos itong gawaran ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

Best Comedy Show ang tinanggap ng Banana Sundae, Best Morning Show Hosts naman para sa mga hosts ng Umagang Kay Ganda, at Best Daytime Drama Series naman para sa Kadenang Ginto.

 

 

 

Mapapanood ang delayed telecast ng 33rd PMPC Star Awards for Television sa Linggo, October 20, sa Sunday's Best.