• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos umani ng batikos, Marian Rivera nilinaw ang naging pahayag ukol sa traffic crisis: ‘I was misinterpreted’

Matapos umani ng batikos, Marian Rivera nilinaw ang naging pahayag ukol sa traffic crisis: ‘I was misinterpreted’

Dinepensahan ni Marian Rivera ang kanyang sarili matapos na umani ng batikos sa social media kaugnay ng kanyang naging pahayag ukol sa traffic crisis ng bansa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/14/2019 12:56 PM
Matapos umani ng batikos, Marian Rivera nilinaw ang naging pahayag ukol sa traffic crisis: ‘I was misinterpreted’


Photo credit: @marianrivera IG

Dinepensahan ni Marian Rivera ang kanyang sarili matapos na umani ng batikos sa social media kaugnay ng kanyang naging pahayag ukol sa traffic crisis ng bansa.

“Traffic? Parang matagal nang may traffic. Wala nang dahilan para ikunsumi mo sarili mo sa traffic,” ang sagot ng aktres nang tanungin ng Philippine Star ukol sa lumalalang sitwasyon ng trapiko sa Pilipinas nitong Biyernes.

"Kung may lakad ka, eh ‘di pumunta ka ahead of time para ‘di ka matrapik,” saad pa ni Marian.

“Sa sasakyan, ‘pag trapik, andaming pwedeng gawin. Mag-cellphone ka, magsulat ka, eh ‘di ‘yun ‘yung ‘me’ time mo sa sarili mo, ‘di ba? So andaming puwedeng gawin mo ‘pag traffic,” dagdag niya.

Matapos nito, maraming netizen ang nag-react at nambatikos kay Marian tila dahil sa pagiging "tone-deaf" at "insentive" nito.

 

 

 

Ngunit, sa kanyang Instagram post nitong Lunes, nilinaw ni Marian na na-"misinterpret" lang siya umano ng publiko.

Aniya, "Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview —kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip— ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin— at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted.

"Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag."

Pinatutsadahan din ng aktres ang Philippine Star na umano ay dapat mas naging responsable sa kanilang pagbabalita.

"Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philippine Star sa kanilang headline at sa hindi pag edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context," aniya.

Ayon pa kay Marian, naninindigan siya sa kanyang naging pahayag, ngunit  nais niya ring humingi ng paumanhin sa kanyang mga nainsulto.

Dagdag niya, "Hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami.

"Kinikilala ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay— wala pong may gusto nito."

Basahin ang kanyang buong mensahe rito:

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview —kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip— ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin— at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted. . . Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag. . . Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philstar.com sa kanilang headline at sa hindi pag edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context. . . Pinaninindigan ko po ang aking sagot and i take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang— hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami. . . Kinikilala ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay— wala pong may gusto nito. . . Peace everyone ❤️ . . Hindi po ako super rich, gaya ng sabi ng Philstar.com Maykaya, opo, dahil pinaghirapan ko po yun.

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on