• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Castro at Sunshine Garcia, nagpakilig sa ‘Tawag ng Tanghalan’

Alex Castro at Sunshine Garcia, nagpakilig sa ‘Tawag ng Tanghalan’

Proud wife ang aktres na si Sunshine Garcia para sa kanyang asawa na si Alex Castro nang sumali ito sa sikat na singing contest sa ‘It’s Showtime.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/14/2019 8:48 AM
Alex Castro at Sunshine Garcia, nagpakilig sa ‘Tawag ng Tanghalan’


Photo credit: @bmalexcastro IG

Proud wife ang aktres na si Sunshine Garcia para sa kanyang asawa na si Alex Castro nang sumali ito sa sikat na singing contest na “Tawag ng Tanghalan” nitong Biyernes.

Sa It's Showtime, hindi mapigilang kiligin ng audience nang ialay ni Alex ang kanyang performance ng Alamid hit na “Your Love” para sa kanyang asawa.

Ani ng actor-politician, may significance para sa kanilang mag-asawa ang kanta dahil noong nagsisimula pa lamang sila ay minsan na itong nagpapadala kay Sunshine ng kanyang voice recording ng “Your Love” habang nasa proseso ng pagrerecord para sa kanyang album.

“Sabi ko, ‘Ito ‘yung song ko para sa ‘yo. Ngayon, hindi na lang para sa kanya. Kaya ko ‘to kinanta, para sa family ko na ngayon,” aniya.

Marso nitong taon nang ikinasal si Alex at Sunshine. Ngayon ay may isa na silang anak na nagngangalang Axel.

Sa nasabing episode ay nakaharap ni Alex ang YouTube personality na si Songyupsal, kapwa singer na si Marlo Mortel, at comedienne na si Ethel Booba, na siyang pinangalanang celebrity daily winner sa huli.