Maine Mendoza, inalala ang PBB audition niya noon

Matapos maglabas ng ‘Yup I Am That Girl’ book, gusto rin daw ni Maine Mendoza gumawa ng isang poetry book.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/13/2019 10:24 AM
Maine Mendoza, inalala ang PBB audition niya noon


Photo Credit: @@mainedcm on IG

Inalala ng Isa Pa With Feelings actress na si Maine Mendoza ang nag-trending na audition clip niya sa Pinoy Big Brother noong 2014. Inilabas mismo ng 'big boss' ng PBB na si Direk Lauren Dyogi nitong nakaraang taon naturang clip ng audition ni Maine.

"Naisipan ko lang mag-audition, may nagsabi sa akin, may nag-invite kung gusto ko bang mag-audition for PBB. Ako naman, even before, honest naman ako na gusto ko talagang makasali ng PBB. So nakita rin na baka eto na rin yung chance. So yun na nga yung chance, pero hindi pa yon yung tamang panahon," kuwento ni Maine sa interview niya sa PUSH Bets Live.

Dagdag ng aktres, isang buwan bago siya lumabas sa noon time show ng kabilang network nangyari ang naturang audition.

"Nagsimula ako no'n ng alas-sais nang umaga hanggang ala-una nang umaga. Pero umuwi ako ng sad. Pero okay lang masaya yung experience," kuwento ng aktres.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Sa parehong interview, sinabi ni Maine na gusto niya ring sundan ng isa pang libro ang inilabas na 'Yup I Am That Girl' book noong 2017.

"Of course, gusto ko talagang mag-release pa ng isa pang book. Gusto ko sana ng poetry book," paliwanag ni Maine.

Mababasa ang mga sulat ni Maine sa kaniyang sariling blogsite na 'The Pessimistic Optimist Bella', na ayon sa kaniya ay nagsimula noong siya ay first year college pa lang.

"Pero ngayon hindi na ako masyadong nakakapag-blog kasi yung ibang tao masyadong nag-a-analyze ng mga sinusulat at shine-share natin sa social media so, i-keep na lang natin sa sarili natin," sabi ni Maine.

Panoorin ang two-part interview ni Maine dito:

Bida si Maine sa bagong pelikula na Isa Pa With Feelings na mapapanood na sa mga sinehan simula October 16. Makakatambal ni Maine sa pelikula si Carlo Aquino, at mula sa direksyon ni Prime Cruz.