• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Kaamoy ng bag ko ‘yung Payatas’: Regine Velasquez, muling pinutakti ng bashers

‘Kaamoy ng bag ko ‘yung Payatas’: Regine Velasquez, muling pinutakti ng bashers

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/13/2019 11:37 AM
‘Kaamoy ng bag ko ‘yung Payatas’: Regine Velasquez, muling pinutakti ng bashers


Magkakahalong komento ngayon ang inaani ni Songbird Regine Velasquez matapos ang tila hindi magagandang salita na kanyang nagamit sa kanyang bagong labas na YouTube vLog.

Dito, ibinahagi ni Songbird ang ilan sa mga kuwento ng kanyang mga koleksyon na designer bags.

“This one is funny,” bahagi ng pahayag ni Regine sa kanyang bagong vLog hawak ang designer bag.

“Ito kasing bag na ‘to mabaho (laughs) it stinks,” ano Regine.

“It’s mabaho, I remember noong binili ko ‘to mabaho talaga it stinks so much,” bahagi ng kuwento ni Songbird sa kanyang vLog.

Paglalarawan ni Regine sa kanyang bag na nabili noon sa isang designer shop sa Hong Kong “Ang kuwento kasi nito, kakabili ko lang nito, I bought this in Hong Kong and it’s mabaho, I think it’s the kind of leather,” sabi ni Regine.

Kuwento pa ni Songbird minsan niyang ginamit ang bag na ito sa kanyang advocacy video shoot para sa MTV sa Payatas “During that time, MTV asked me to do a documentary for mga street children and I went to Payatas,” sambit ni Regine.

“Kaamoy ng bag ko ‘yung Payatas, nakakatawa ‘yun (laughs)” natatawang pahayag ng singer.

“Kasi pag nasa Payatas ka na, hindi mo na maamoy ang basura eh kasi kayo pare-pareho na kayo ng amoy doon sa MTV ‘yun,” ani Regine.

“This is the bag I was wearing, so after the whole shooting, akala ko nasa Payatas pa rin ako, ‘yun pala ‘yung bag ko ang mabaho, mas mabaho pa siya sa Payatas,” pahayag pa ni Songbird.

Dahil sa mga nagamit na salita ni Regine, agad naman na humingi ang singer ng paumanhin para sa mga hindi magandang nasabi sa kanyang vLog.

Sa Twitter, idinaan ni Regine ang paghingi niya ng paumanhin para sa mga hindi nagustuhan ang kanyang pahayag.

Sa ngayon, may halos isang milyon na views na ang pinagusapan YouTube vLog ni Regine.