• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, nais makasama sa proyekto sina Marian Rivera at Heart Evangelista

Judy Ann Santos, nais makasama sa proyekto sina Marian Rivera at Heart Evangelista

Isang pelikula naman ang naiisip ni Judy Ann Santos, kung bibigyan siya ng pagkakataong makatrabaho sila Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/13/2019 10:44 AM
Judy Ann Santos, nais makasama sa proyekto sina Marian Rivera at Heart Evangelista


Photo Credit: @marianrivera @juansarte @iamhearte on IG

Isa ang Queen of Philippine Soap Operas na si Judy Ann Santos sa mga natutuwa sa collaboration ng mga Kapuso at Kapamilya stars para sa pelikula. Sa interview ng aktres sa ` nitong Biyernes October 11, sinabi niya na dapat mas nagtutulungan ang mga malalaking network sa paggawa ng mga kalidad na programa.

"It should be always a healthy competition. Not to the extent na sini-stress niyo na ang isa't-isa, nawawala na tuloy ang creativity ng parehong grupo, kasi masyado na kayong naka-focus doon sa 'Dapat mataas ang ratings' nawawala na yung puso ang passion doon sa projects," paliwanag ni Judy Ann.

Binigyang halimbawa ng Prime Superstar ang kamakailan na box office hit movie na Hello, Love, Goodbye, at ang bagong pelikula na Isa Pa With Feelings.

"It's a nice start na [nagsama sa] movie na sila Kathryn (Bernardo) at Alden (Richards), Maine (Mendoza) at Carlo (Aquino). Sana mas lumawak pa, para makaranas pa ng ibang klaseng experiences yung mga tao na nanonood," dagdag niya.

Nang tinanong naman kung sino-sinong mga artista ang gusto niya pang makasama sa proyekto, binanggit ni Judy Ann sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

"Nakasama ko na si Dingdong (Dantes), nakasama ko na si Dennis (Trillo). Maaring si Marian, at Heart. Kasi nakasama ko na yung mga leading men ng GMA," ani Juday.

Sa Kapamilya Network naman, binanggit ni Judy Ann sina Megastar Sharon Cuneta, at Asia's Song Bird Regine Velasquez.

READ: Regine Velasquez, Judy Ann Santos, Sharon Cuneta pose for photo at ASAP Natin ‘To backstage

"Gusto kong maka-trabaho sila Ate Sharon  and Regine in a movie. Of course isang magandang women empowerment themed na once a week na show, with Bea (Alonzo), Kim (Chiu), and with the love teams," dagdag ni Judy Ann.

Panoorin ang buong interview dito:

READ: Judy Ann Santos attends the Busan Film Festival with Ryan Agoncillo

Patuloy na mapapanood ang bagong serye na pinagbibidahan ni Judy Ann, ang Starla, tuwing gabi sa Primetime Bida.