Anak ni Manilyn Reynes, talented comic illustrator na

Proud nanay naman si Manilyn Reynes sa na-achieve ng kanyang anak.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/13/2019 11:02 AM
Anak ni Manilyn Reynes, talented comic illustrator na


Photo Credit: manilynreynes27 on IG

Proud nanay ngayon ang singer-actress na si Manilyn Reynes para sa achievement ng kanyang panganay na anak na isang comic illustrator na ngayon.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Manilyn ang unang komiks na gawa ng anak.

“PROUD NANAY! Tamang-tama po ito, good read habang nasa flight papuntang Cebu.
Sa mga mahilig po sa KOMIKS,” bahagi ng post ni Manilyn.

Buong suporta rin ang binigay ni Manilyn sa kanyang anak na magkakaroon rin ng isang exhibit ng kanilang mga obra kasama ang ilang comic illustrator.