• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta-Regine Velasquez, nagkuwento ng candid moments sa kanilang friendship

Sharon Cuneta-Regine Velasquez, nagkuwento ng candid moments sa kanilang friendship

Nagkuwento rin si Sharon Cuneta sa kanyang special moments kasama si Regine Velasquez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/12/2019 10:23 AM
Sharon Cuneta-Regine Velasquez, nagkuwento ng candid moments sa kanilang friendship


Photo Credit: @reallysharoncuneta on IG

Muling humarap sa isang special media conference sina Megastar Sharon Cuneta at Regine Velasquez para sa kanilang Iconic concert na unang pagsasama nila sa isang major project.

Kuwento ni Songbird, hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya ang idolong si Sharon sa isang concert stage.

“Hindi ako makapaniwala kasi ako I’m a fanm I’m a Sharonian. I’ve always been very vocal about it she’s always been an inspiration since the beginning of my career,” tugon ni Regine sa press.

Si Megastar naman, nagbigay trivia sa kabaitan ni Regine sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Alam nyo si KC favorite niya si Regine kaya noong 18th birthday ni KC—I’ll never forget this—she just arrived that night from the States dumiretso sa bahay para maligo tapos dumiretso sa birthday ni KC para makakanta,” kuwento ni Sharon.

Ayon pa kay Sharon at Regine, mahalaga para sa kanila ang kanilang unang pagsasama na kanilang regalo sa kanilang mga fans.

“You don’t know how important this concert is for me. it’s such an honor for me to be sharing the stage with my megastar,” sabi pa ni Regine.

Gaya ni Songbird, ganito rin ang naging pahayag ni Megastar.

“Nagkataon lang na nauna ako ng ilang taon... pero, hindi ko ma imagine na sobrang hinahangaan ko si Regine na ang blessed blessed ko because I have such respect for Regine.”

Gaganapin ang Iconic ngayong October 18 at 19 sa Araneta Coliseum.