Mystica, hinamon si Jaya sa isang singing showdown

Hinamon ni Mystica si Jaya sa biritan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/12/2019 1:38 PM
Mystica, hinamon si Jaya sa isang singing showdown


Nitong nakaraang linggo ay nagkaroon ng Celebrity Edition ang Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime para sa ika-sampung anibersaryo ng programa at isa sa mga sumalang sa entablado ay si Shirley Fuentes.

Sa kasamaang palad ay na-gong si Shirley ng punong huradong si Jaya dahil may mga notes siyang hindi natamaan. Habang nagbibigay ng komento, humingi siya ng paumanhin sa kaibigan at sinabing baka nanibago lamang si Shirley dahil iba ang naging areglo ng kantang “Luha” ng Aegis sa kanyang naging performance.

“Hindi kita masisisi. Siguro, this is not a song na kinakanta mo or hindi lang nagtugma yung ginagawa mo sa inensayo niyo kanina. Ang daming pumapasok na kaba,” ani Jaya

"So, sorry talaga, pero kinailangan kitang i-Gong kasi talagang nagkamali ka sa mga parte na narinig namin.Pero alam ko kung gaano ka kagaling kumanta. Don’t let that discourage you. We love you," dagdag pa niya.

Matapos nito ay pinatutsadahan naman ni Mystica si Jaya sa kanyang Facebook account at hinamon niya itong makipag-biritan.

“August 1 pa noong naialok sa akin ang Tawag ng Tanghalan! Pwede akong sumali sa Tawag ng Tanghalan at kantahin din yung kinanta ni Shirley Fuentes na “Luha” basta si Jaya ang kalaban ko. I DARE HER! Kung biritan din lang ng LUHA, siguradong paluluhain ko lang si JAYA! AKO ANG KAKATAY DIYAN!” ani Mystica sa Facebook.

“Wala raw akong career kaya i-risk kong ipa-GONG ang sarili ko sa Tawag ng Tanghalan! Ang tanong, magkano? Sa halagang barya-barya lang tapos ipakatay ko ang sarili ko sa mga judges na kapwa ko rin celebrities? For what? I don’t need to prove my singing profession anymore! Tama na ‘yung Rock Diva at Split Queen na ako! Hindi ko na kailangang maging ‘Gong Diva’ ano! Mas kailangan ng lola niyong rumaket kaysa magpa-gong gong na ‘yan!” dagdag pa niya.

Kaagad namang naging trending topic ito sa social media at nang mag-message ang “Crown Factor” sa Soul Diva at malumanay naman niyang sinagot ang isyu.

“Haha ok lang ‘wag na po natin pansinin (smiling emoji),” ani Jaya.

May pasaring naman si Mysitca matapos sumagot ang Soul Diva.

“Di pa nag-uumpisa ang labanan, nailampaso ko na sa kubeta ang Soul Diva na si Jaya sa Mystica’s whistle vocal exercise ko! Hindi pala niya ako kinaya! Boom este gong! Panis! Mas mataas ‘yang whistle bomb ko kaysa sa ‘Through the Fire’ niya!

“Kung pataasan din lang ng boses, hindi ako patatalo sa kanya sa Tawag ng Tanghalan! Pero pang-Tawag ng Tanggalan na lang ang ating Soul Diva! Hahaha! Real talk lang ‘yan ha!”

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=394764704793392&set=a.122889185314280&type=3