• Home
  • Fresh Scoops
  • Elisse Joson, inaming labis siyang nasaktan sa hiwalayan nila ni McCoy de Leon

Elisse Joson, inaming labis siyang nasaktan sa hiwalayan nila ni McCoy de Leon

Pag-amin ni Elisse Joson, hindi raw sila masyado nagpapansinan ni McCoy de Leon

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/12/2019 2:03 PM
Elisse Joson, inaming labis siyang nasaktan sa hiwalayan nila ni McCoy de Leon


Sa pagbabalik ni Elisse Joson sa Tonight with Boy Abunda ay napansin ng host na si Boy Abunda na mas masaya na ngayon ang ‘aura’ ng aktres.

Sa kanyang panayam, una siyang nagbigay opinyon sa pag-amin ng dating rumored boyfriend na si McCoy de Leon na nagugustuhan niya na si Miles Ocampo. Para kay Elisse, labas na raw siya sa desisyon ni McCoy.

“Parang labas na ako doon eh, wala na ako ding masabi kasi for me, if you like someone, okay naman din,” ani Elisse.

Inamin naman ng Sandugo star na hindi na sila masyado nagpapansinan ni McCoy pero ‘magaan’ na raw ang kanyang pakiramdam ngayon.

“Sobra [akong nasaktan] Tito Boy. It took a while, actually Tito Boy masasabi ko na hindi na talaga mawawala na ‘yun it’s always gonna be there, part na ‘yun ng life ko but everyday lang it’s just easier na,” paliwanag niya.

Nang matapos ang ugnayan nila ni McCoy ay kay Jameson Blake na na-link si Elisse ngunit iginiit niyang hindi naging sila at hanggang dating lamang sila.

“Siguro nakalabas kami a couple of times ganyan. Walang ‘I love you.’ He made it clear naman na may gusto siyang mangyari, may gusto siyang mapuntahan sa kung ano man ‘yung amin ngayon,” kwento ni Elisse.

“Hindi niya sa akin sinabi directly [na gusto niya ako maging girlfriend], sa mom ko siya nagsabi,” dagdag pa niya.

Para kay Elisse, mayroon silang friendship na ‘comfortable sa isa’t isa.’