• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez, nag-‘fangirl’ sa Korean actor na si Lee Dong Wook

Sue Ramirez, nag-‘fangirl’ sa Korean actor na si Lee Dong Wook

Hindi naitago ni Sue Ramirez ang kaniyang kilig nang makita nang personal ang hinahanggan niyang South Korean actor na si Lee Dong Wook.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/11/2019 9:02 AM
Sue Ramirez, nag-‘fangirl’ sa Korean actor na si Lee Dong Wook


Hindi naitago ni Sue Ramirez ang kaniyang kilig nang makita nang personal ang hinahanggan niyang South Korean actor na si Lee Dong Wook.

Bilang ambassador ng Korea Tourism Organization, bahagi si Sue ng naging pagbisita ni Lee para sa pagdiriwang ng ika-70 diplomatic relationship anniversary ng Korea at Pilipinas.

“Oh my gosh. It’s surreal. I can’t… Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko noong nando’n na siya,” kuwento ni Sue sa kanyang experience sa sidelines ng #LoveKorea Culture & Travel Fiesta na ginanap noong Sabado sa SM Megamall Fashion Hall.

“I tried to compose myself. I tried to keep calm. But on the inside my fan girl is just shouting and raging. Ang gwapo niya. OMG. Starstruck ako. Hindi nga ako makagalaw sa stage, hindi ba? Ang gwapo niya sa TV pero iba ‘pag andyan na talaga sa harapan mo,” dagdag pa ni Sue tungkol sa aktor, na kilala sa kanyang local fans bilang si Grim Reaper sa sikat ng Korean drama na ‘Goblin’.

Samantala, “very honored” si Sue na muli siyang napili bilang ambassador ng #LoveKorea, matapos ang tatlong taon na siya ay itinalaga bilang honorary ambassador ng nasabing bansa.

“I’m honored. I’m very, very proud to be a part of the Korea Tourism Organization. It has been almost three years since I’ve been a part of this and I’m very, very honored,” aniya.

Samantala, todo paghahanda naman ngayon si Sue para sa kanyang papel sa inaabangang action movie na ‘Kid Alpha One’ kasama si Javi Benitez.