• Home
  • Fresh Scoops
  • RK Bagatsing at Vance Larena, naging emosyonal dahil sa pagtatapos ng seryeng ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

RK Bagatsing at Vance Larena, naging emosyonal dahil sa pagtatapos ng seryeng ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

Naging emosyonal ang cast members ng ‘Nang Ngumiti Ang Langit’ lalo na sina Vance Larena at RK Bagatsing, dahil sa pagtatapos ng naturang serye.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/11/2019 1:06 PM
RK Bagatsing at Vance Larena, naging emosyonal dahil sa pagtatapos ng seryeng ‘Nang Ngumiti Ang Langit’


Naging emosyonal ang ilang cast members ng Nang Ngumiti Ang Langit sa naganap na press conference nitong Huwebes, October 10. Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, aminado ang lead actor na si RK Bagatsing na nami-miss niya ang mga magulang na hindi niya pa muling nakikita dahil sa mahigpit na schedule.

"We all know na every teleserye or every show, we spent so much time working hard everyday, nakakasama mo yung mga taong yun, and every time na nasa set ka is a time away from your family," pahayag ni RK.

Pagpapatuloy ng aktor, isa rin sa mga mami-miss niya ay ang karakter niya, mga co-actors niya, at maging mga staff ng produksyon, dahil sila ang tumayong pamilya niya sa loob ng walong buwan na paggawa ng serye.

"If you ask me kung ano yung mamimiss ko kay Michael Villaluna, mamimiss ko mismo yung pamilya ni Michael Villaluna. I haven't seen my parents for a long time, so sila talaga yung tumatayong pamilya ko. So binibiro ko sila na mararamdaman mo lang yung lost kapag wala ka nang call time," emosyonal na pahayag ng aktor.
 

 

Bukod kay RK, hindi rin napigilang maiyak ng theater actor na si Vance Larena dahil sa pagpapasalamat na maging kasama sa cast members ng kaniyang kauna-unahang serye.

"Thank you po sa RSB Unit, sa ABS-CBN sa pagbibigay ng tsansang ito... Marami na rin kasi akong dinaanang detours, theater, law school, tapos siguro I found my place sa mundo dahil dito sa serye," ani Vance.

Maging sina Shaina Magdayao, Michelle Vito, at Enzo Pineda ay sinabing napamahal at napalapit na rin sila sa kani-kanilang mga karakter sa serye, kaya't siguradong mami-miss nila ang pagsasamahang nabuo nila sa set.

 

Mapapanood ang huling isang linggo na lang ang seryeng Nang Ngumiti Ang Langit, tuwing tanghali bago mag It's Showtime.