KZ Tandingan, sasabak sa pelikula

Bibida ang singer na si KZ Tandingan sa kanyang unang pelikula bilang leading lady kasama si Epi Quizon sa ‘The Art of Ligaw’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/11/2019 1:32 PM
KZ Tandingan, sasabak sa pelikula


Bibida ang singer na si KZ Tandingan sa kanyang unang pelikula bilang leading lady kasama si Epi Quizon sa The Art of Ligaw.

Base sa official plot, tungkol ang pelikula sa dalawang tao na nagdesisyon "na magligawan in the age of landian". Dito, gaganap si KZ bilang bidang karakter na si Carisse, isang millennial probinsyana mula sa Davao na nais ligawan ng 40-something na si Jake, na nagmula naman sa Manila.

 

Sa panayam ng ABS-CBN News, inamin ni KZ na magkahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon sa bagong hamon na ito sa kanyang karera. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Makikilala nyo na si Carisse! #TheArtOfLigaw In cinemas Nov 13! 🧡 @kztandingan

Isang post na ibinahagi ni Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone) noong

 

"Noong una ko pong nalaman, na-overwhelm ako. Kasi, singer naman talaga ako e. Sa 7 years ko dito sa industriya, singer ako. So noong sinabihan po nila na aarte ako, sobrang nalula ako," pag-amin ni KZ.

"Pero I always tell myself na you'll never grow in your comfort zone. So noong sinabi nila sa akin na I was given this opportunity, to be part of this movie, tumalon ako sa bangin knowing na nandon sila to guide me. Talagang inalalayan ako, hindi ako pinabayaan sa project."

Ayon sa X Factor Philippines grand champion, dahil sa pelikula ay napagtanto niyang marami pa pala siyang pwedeng gawin bukod sa pag-awit.

"Sobrang nurturing ng experience for me. Ang dami ko pong natutunan," aniya.

Maging ang leading man ni KZ na si Epi ay hanga rin sa kanyang husay.

 

 

"She reminds me of Ate Guy [Nora Aunor]. Oo, alam natin iba si Ate Guy. KZ is small, petite, Pinay na Pinay, expressive eyes, kumakanta rin, nagsimulang kumakanta, tapos noong pinaarte namin. Nagulat talaga ako," ani ng aktor.

Sa direksyon ni Jourdan Sebastian, mapapanood ang The Art of Ligaw simula Nobyembre 13.