• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, nakilala ang tunay na ugali ni Sarah sa ‘Unforgettable’

EXCLUSIVE: Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, nakilala ang tunay na ugali ni Sarah sa ‘Unforgettable’

Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, nakita ang dedikasyon ni Sarah Geronimo sa paggawa ng ‘Unforgettable’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/11/2019 12:36 PM
EXCLUSIVE: Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, nakilala ang tunay na ugali ni Sarah sa ‘Unforgettable’


Nagsanib-puwersa sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan ng IdeaFirst Company para sa latest movie ni Sarah Geronimo sa Viva Films na Unforgettable. Kinailangan daw nilang pagtulungan ang project para hindi magkaproblema sa deadline.

“Kinailangan siya for this project, sa schedule na binigay sa amin, and then yung reality din ng shoot, yung post production kasi kailangang habang nagsu-shoot sumasabay yung editing and we didn’t want na mag-suffer yung post production.

“Usually kasi kapag ganito ka-tight yung schedule, konti na lang ang natitirang araw para sa post production, so gusto namin na, especially nung kalagitnaan na ng shoot, kailangang nagsisimula na yung editing. Puwedeng nagsu-shoot si Perci, nag-e-edit naman ako,” paliwanag ni Direk Jun sa PUSH.

Ayon naman kay Direk Perci, ang Unforgettable ang tamang project para mag-co-direct sila ng kanyang partner.

“If there was a project na magko-co-direct kami, it would be a film like this, ironic siya, eh. Simpleng kuwento, simpleng journey na very personal, pero ang laki nung scale na kailangan mong i-mount.

“Kaya maganda kasi siya. (Direk Jun), nakabantay siya sa kuwento, sa emotion, sa character. Ako naman nakabantay ako sa coverage, locations,” lahad pa niya.

Aminado rin ang dalawa na medyo nahirapan silang paartehin ang asong si Milo sa pelikula.

“Mahirap. Well, it’s the same naman for every dog pero suwerte lang kami na for this particular dog matalino siya, marami siyang nagagawa. On the day na kailangang malungkot siya kaya naman niyang maging malungkot.

“At saka pag may eksena ka with the dog tiyagaan yan, eh, which is actually, something we also appreciate from Sarah kasi she understood. Oo, siya nga yung pinakamalaking star sa pelikulang ito, pero pag ayaw umarte nung aso, retake tayo nang retake,” pagtatapat pa nila.

Buti na lang daw at naiintindihan yon ng Viva at ni Sarah mismo.

“Very supportive naman ang Viva. Sabi ko, hindi natin puwedeng madaliin yung shoot kasi walang pakialam yung aso sa deadline natin, di ba? Kung kaya niyang (aso) gawin, gagawin niya, kung hindi niya type gawin ire-reschedule natin,” ani Direk Perci.

Patuloy naman ni Direk Jun, “Napakahirap ng mga scenes niya, especially yung mga dramatic scenes na kapag hindi ginawa ng aso yung kailangang gawin kailangan niyang ulitin.”

Dagdag pa Direk Perci, “At hindi siya nagde-demand, ha. Hindi siya yung, ‘Direk, baka puwede naman na ganito na lang yung shot or whatever.’ Kami nag-a-adjust na nga, eh, pero siya mismo, hindi. Naiintindihan niya na, ‘Oh, take natin ulit.’ Minsan ang layo ng lalakarin ni Sarah, pero okey lang sa kanya.”

Nung nakatrabaho raw nila ang Popstar Princess ay mas napatunayan nila ang naririnig na balitang napakabait nito sa totoong buhay.

“Wala naman kasi kaming narinig na negative about Sarah, eh. She’s one of the actresses na well-loved by everyone specially ng mga fans niya. Parang what you see is what you really get. Parang iisipin mo na, yon ba talaga yung Sarah, pero totoo pala.

“Ang nagulat pa nga kami is ang down to earth niya, sobra. Sabi ko nga, parang makukumpara ko siya sa mga legends natin – si Kuya Eddie (Garcia), Guy (Nora Aunor)– yung kahit sino kakausapin at kahit sino puwedeng lumapit sa kanya, wala siyang walls, so, yon ang nakakatuwa,” diskripsyon ni Direk Jun kay Sarah.

“Tapos she is also does her research tapos siya pa yung nagtatanong kung anong gagawin ng character. Tapos hindi siya nakatingin sa, ‘Maganda ba ako sa shot na ‘to? Hindi yon ang concern niya, ang concern niya is tama ba yung ginagawa niya.

“Pati yung mga meeting with the writers umuupo siya, sumasama siya. Ganun siya ka-involved sa project na ito and we appreciate that. Ang laki ng input niya kaya mas naging complex yung character, pati yung kuwento, dahil sa kanya,” pagmamalaki pa niya.

Ipapalabas na ang Unforgettable simula October 23.