• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: Morissette Amon, enjoy sa bakasyon kasama ang nobyo

TINGNAN: Morissette Amon, enjoy sa bakasyon kasama ang nobyo

Tila ay nananatiling masaya at matibay ang relasyon ni Morissette Amon at kanyang nobyo ilang buwan matapos nilang maharap sa kontrobersiya kaugnay ng maiinit na tweets ng kanyang ama ni tungkol sa diumano'y pag-iwan nito sa kanyang pamilya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/10/2019 2:55 PM
TINGNAN: Morissette Amon, enjoy sa bakasyon kasama ang nobyo


Photo credit: @morissetteamon_ph and @davejlamar IG

Masayang nagbabakasyon ngayon sa ibang bansa ang singer na si Morissette Amon at nobyo nitong si Dave Lamar.

Sa Instagram, nagbahagi ang tinaguriang Asia's Phoenix ng retrato nila ng nobyo  na kuha sa Marina Bay sa Singapore nitong Miyerkules.

Aniya sa caption, "If you can fly, then soar."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

If you can fly, then soar 🕊

A post shared by M O R I S S E T T E (@itsmorissette) on

 

Sagot naman ni Dave sa post: "Off to Neverland!"

Sa kanyang account ay nagbahagi rin si Dave ng kanyang retrato kasama ang nobya. May caption naman ito na: "Why settle for just a piece of sky?"

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Why settle for just a piece of sky🕊

A post shared by Dave Lamar (@davejlamar) on

 

Tila ay nananatiling masaya at matibay ang relasyon ng dalawa ilang buwan matapos nilang maharap sa kontrobersiya kaugnay ng maiinit na tweets ng ama ni Morisette Amon tungkol sa diumano'y pag-iwan ng mang-aawit sa kanyang pamilya.

Ayon sa tweets ni Amay Amon, sumama diumano si Morissette sa kanyang nobyo na si Dave, na kapwa contestant niya noong sumali siya sa 'The Voice of the Philippines' taong 2013.

Matatandaang nadawit pa sa isyu si Paolo Valenciano matapos nitong magbigay ng payo sa ama ni Morissette. Aniya, hindi dapat idaan sa social media ang alitan nila ng kanyang anak, at anuman ang kanilang sitwasyon ngayon ay magkapamilya pa rin ang mga ito.

Si Paolo ang naging direktor ng unang major concert ni Morissette na 'Morissette Is Made' noong nakaraang taon.