Judy Ann Santos, napapaisip kung mag-aanak pa ulit

Masaya na daw sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa tatlo nilang anak.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/10/2019 11:20 AM
Judy Ann Santos, napapaisip kung mag-aanak pa ulit


Photo credit: @officialjudayph IG

Ayon sa bida ng Starla na si Judy Ann Santos ay okay na sa kanila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo na meron silang tatlong anak ngayon—sina Yohan, Lucho at Luna.

Pero minsan, hindi raw maiiwasan na  pumapasok pa rin sa isip niya na what if magkaroon ulit sila ng isa pang anak ni Ryan.

“At 41? Alam mo, naiisip ko naman. Naiisip ko lang, period,” tila nalilito niyang pahayag. “Pero hindi pa naman namin naiisip gawin. Kasi, as you age, marami nang kailangang i-factor-in, di ba?” dugtong ng aktres.

Alam din ni Juday na posibleng mahirapan na siyang magbuntis ulit sa kanyang edad at siguradong magiging risky ito.

Aniya,  “Siyempre, hindi na ganu’n kadaling magbuntis, hindi na ganu’n kadaling… Kasi yung energy mo, nag-iiba na. And ‘yung reality of raising a child at this day and age, it’s very different and very difficult. ‘Yung gastos, lahat, eh.”

Masayang-masaya naman daw silang mag-asawa na napapalaki nila nang maayos ang kanilang mga anak kaya minsan, iniisip din nila na magdagdag pa.

“When you see your kids growing up beautifully and napapalaki mo sila nang tama, parang gusto mo pang magdagdag nang magdagdag. Ang sakit lang talagang manganak.

“Pero kung pwede nga lang na hinuhugot mo na lang sa kilikili ko ‘yang mga bata, okay lang di ba? Pero parang sa ngayon, okay naman kami sa tatlo, sapat na kami sa tatlo,” natatawa niyang komento.

Samantala, balik-telelserye si Judy Ann sa Starla na ayon mismo sa kanya ay first time niyang gaganap na bida-kontrabida. Dagdag pa niya, medyo bad daw ang karakter niya at tinanggap niya ang ganitong role dahil gusto naman daw niyang may mai-offer na iba sa mga manonood.

Ilang years na rin naman daw na puro bugbog ang inaabot ng karakter niya sa kanyang drama and it’s about time naman daw na ibang karakter naman ang kanyang gampanan.

“Lahat na yata ng sapak, tinanggap ko na (sa serye), parang it’s about time na pwede na kong gumawa ng iba’t ibang characters when it comes to teleserye.

“There are younger ones, there are new batch of fresh actors and actresses, there are already who can do that part, and graduate na ko ‘don. Pwede na ‘kong mag-move forward. Napapanood ko sila, ah, keri nila ‘yan, dito na ‘ko sa part na ‘to,” masayang paliwanag ng aktres.