• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros at Jason Francisco, inalala ang desisyong sandaling paghihiwalay noon

Melai Cantiveros at Jason Francisco, inalala ang desisyong sandaling paghihiwalay noon

Hindi napigilang maging emosyonal ni Melai Cantiveros nang ipagdiwang sa ‘Magandang Buhay’ ang 10th year anniversary ng tambalan nila ng asawang si Jason Francisco.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/1/2019 12:42 PM
Melai Cantiveros at Jason Francisco, inalala ang desisyong sandaling paghihiwalay noon


Masayang ipinagdiwang ng Pinoy Big Brother couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang kanilang ika-sampung anibersaryo bilang MelaSon, sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, September 30.

Matapos balikan ang mga nakakakilig na pagsisimula ng kanilang pag-iibigan, sorpresang nakatanggap din ng mensahe sina Melai at Jason mula mismo kay Big Brother.

"Alam niyo kung ano ang kahanga-hanga sa inyo, kahit sa outside world, iba't ibang hamon man ang dumating araw-araw niyo pa ring inilalaban ang inyong pag-ibig. Kaya naman Melai at Jason patuloy kayong maging inspirasyon sa lahat ng ina, ama at mag-asawa. Happy 10th anniversary, Melason. Deserve niyo ang magandang buhay na tinatamasa niyo," ani Kuya.

Sa parehong episode din ng morning talk show, naging bukas ang dalawa sa pinagdaanang pagsubok bilang mag-asawa noon. Tatlong taon matapos ikasal noong 2013, lumabas ang balitang hiwalayan ng dalawa.

Ayon kay Melai, may magandang naidulot rin sa kanila ang desisyon noong maghiwalay nang anim na buwan.

"Ang ginawa naming adjustment, tulad ng sinasabi ni (Doc Ali Gui) kanina -- na wag gayahin yung maghihiwalay ng 6 months na ganon. Pero nakatulong talaga yon para ma-miss din namin ang isa't-isa, ma-understand ang isa't-isa.

"Sa relasyon kasi hindi tayo pwedeng mag-compare ng relationship kasi  iba yung relationship namin sa relationship ninyo. Hindi rin namin binibilang yung away namin, kinakalimutan namin 'yon. Kasi ang mas binibilang namin ay yung mga pagbabati namin, kung paano kami nagbati," paliwanag ng momshie host.

Tulad ng asawa, sinabi rin ni Jason na mas naging matatag ang relasyon nila ngayon, lalo na't naging inspirasyon na rin nila ang kanilang dalawang anak na sila Mela at Stella.

"Naging mas matatag lang kami. Kasi kung yung 6 months na 'yon sa iba talagang wala na. E buti na lang din nandiyan yung mga bata, kasi sila talaga ang mag-didikit ulit (sa amin). Pero kung wala talaga yan, ang daling magdesisyon e.

"Hindi natin kailangang maging selfish. Kasi nga kapag may mga bata, sila na ang mas iisipin natin, para magtutuloy at maging ayos ulit," mensahe ni Jason.

WATCH: Melai asks Jason if he experienced ‘love at first sight’ upon seeing her in PBB

Bago matapos ang buong interview, hindi na rin napigilang maging emosyonal ni Melai nang mag-iwan ito ng huling mensahe para sa asawa.

"Papang, thank you so much for always being there sa ating family. Ikaw talaga ang nagnu-neutralize sa akin kasi iba ang pagkatao ko, talagang outgoing ako at ikaw 'yung nagdidisiplina sa akin para maging seryoso sa buhay. Ikaw ang aking security guard at ikaw ang aking pride," mensahe ni Melai.

Sagot naman ni Jason, "Sabi ko nga talagang araw-araw ilaban. Lalo na tayo artista, ang hirap, lahat pinapansin. May iba't ibang interpretasyon ang tao. Sila hindi naman natin sila kasama sa bahay. Kaya tama 'yung mindset, kasi kapag inisip mo na hindi kayo maghihiwalay, hindi naman talaga, hindi ba? Kaya huwag kang mag-alala. Hindi na 'yon mauulit ulit. Basta lang makinig ka.

"Hindi ba 'yun lang naman. Lagi niyong isipin kayo pati si Nanay (Virgie) mahal na mahal ko kayo," pagtukoy rin ni Jason sa ina ni Melai na hindi na naging emosyonal nang maalala ang minsang pagpapalayas daw di umano ni Melai kay Jason noon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

behind the scene 💙 @jasonfrancisco11

A post shared by Melai Cantiveros - Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

 

October 2009 nang unang magkita at magkakilala sina Jason at Melai, bilang mga housemates ng Pinoy Big Brother: Double Up.

Sa ngayon, napapanood si Melai sa Magandang Buhay at ilang mga shows at pelikula ng ABS-CBN, habang ang asawa niya naman ay maaring abangan sa ilang mga shows ng kabilang estasyon.