• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, kasama ang nobyo sa premiere screening sa Dubai

Maja Salvador, kasama ang nobyo sa premiere screening sa Dubai

Magkasamang dumalo ang aktres na si Maja Salavador at nobyo nitong si Rambo Nunez sa ginanap na premiere screening ng Hinahanap-Hanap Kita sa Dubai.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/1/2019 3:44 PM
Maja Salvador, kasama ang nobyo sa premiere screening sa Dubai


Photo credit: @iammajasalvador IG

Magkasamang dumalo ang aktres na si Maja Salavador at nobyo nitong si Rambo Nunez sa ginanap na premiere screening ng Hinahanap-Hanap Kita sa Dubai.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nandito na ang bituin ng #HinahanapHanapKita! #HHKDubaiPremiere

A post shared by TFC (The Filipino Channel) (@kapamilyatfc) on

 

Ito, bilang pa-early birthday surprise ni Rambo, isang businessman, para kay Maja na magte-trenta na sa darating na Sabado, Oktubre 5.

Bukod kay Rambo, dumating din ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW) at Dubai-based designer na Ezra Santos, na kabilang sa cast ng Hinahanap-Hanap Kita, upang suportahan ang screening. 

 

 

"Ang sarap po sa pakiramdam dahil 'yung mga kabayan natin, mga kapamilya natin, nakaka-relate sila. Tapos tumatawa sila. Kasi hindi siya talaga drama na drama. Parang lahat ng emosyon mararamdaman mo rito," ani Maja sa interview ng ABS-CBN News.

Inspired ang istorya ng Hinahanap-Hanap Kita sa buhay ng mga OFW. Bukod kina Maja at Ezra, kabilang din sa cast ng eight-episode series sina Geoff Eigenmann, Pepe Herrera, Pamu Pamorada, Hannah Ledesma, at Prince Stefan.

Mapapanood ang Hinahanap-Hanap Kita sa TFC.TV nang libre, TFX sa OSN at TFC sa IFTV.