• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza, sinabing ‘hindi pressured’ na pantayan ang pelikula ng dating katambal na si Alden Richards

Maine Mendoza, sinabing ‘hindi pressured’ na pantayan ang pelikula ng dating katambal na si Alden Richards

“Wala naman kaming ine-aim na pantayan o lagpasan po yung nakamit nila,” sagot ni Maine Mendoza tungkol sa kamakailang paglabas sa pelikula ng dati niyang katambal na si Alden Richards.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/1/2019 1:08 PM
Maine Mendoza, sinabing ‘hindi pressured’ na pantayan ang pelikula ng dating katambal na si Alden Richards


Aminadong excited at kabado ang comedienne na si Maine Mendoza sa paglabas ng bagong pelikulang pinagbibidahan na Isa Pa With Feelings. Kasama ang kaniyang bagong katambal na si Carlo Aquino, humarap ang dalawa sa press, sa naganap na media launch nitong Lunes, September 30.

Dito sinabi ni Maine na hindi niya hinahangad na pantayan o lagpasan ang tagumpay ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan ng dating ka-love team na si Alden Richards.

"Wala naman po kaming pinapatunayan, wala naman kaming ine-aim na pantayan o lagpasan po yung nakamit nila. We're very happy sa success po ng pelikula nila at sa personal lives nila. Pero ngayon po ang aim po talaga namin is makagawa ng magandang pelikula para sa mga tao," paliwanag ni Maine nang makapanayam ng press matapos ang media launch.

Ang Isa Pa With Feelings ang unang pelikula ni Maine Mendoza sa ilalim ng ABS-CBN Film outfit na Black Sheep. Ito na rin ang ikalawang pelikula ni Maine na hindi niya nakasama at nakatambal si Alden, matapos mabuwag ang love team na AlDub.

READ: Arjo Atayde, umamin na ‘exclusively dating’ sila ni Maine Mendoza

READ: Arjo Atayde, Maine Mendoza captured together after confirmation of dating status

Nakatanggap ng halo-halong reaksyon mula sa fans ang pagkawala ng tambalang AlDub, na para kay Maine ay tanggap na niya at parte na rin ng buhay showbiz. Sa ngayon, ine-enjoy na lang daw ni Maine ang patuloy na pag-eexplore sa kaniyang karera.

"Parang given naman po na meron talagang group of people from the fandom na hindi matutuwa sa bagong pairing pero nandito na to e, parte talaga siya sa mundo ng showbiz na hindi pwedeng yun at yun lang ang makakatrabaho mo. And feeling ko eventually maiintindihan rin nila it's a chance for the artists to grow nga and to explore," paliwanag ni Maine.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sun... darating ?

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

 

Ipapalabas na sa October 16 ang Isa Pa With Feelings. Sa direksyon ni Prime Cruz, kasama rin sa cast members ang Kadenang Ginto actress na si Kat Galang.