Judy Ann Santos, gustong makatrabaho si Claudine Barretto

Hindi isinasara ni Judy Ann Santos ang kanyang pinto sa pagkakaroon ng proyekto kasama si Claudine Barretto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/1/2019 12:32 PM
Judy Ann Santos, gustong makatrabaho si Claudine Barretto


Positibo at umaasa si Judy Ann Santos na balang araw ay magkakatrabaho sila ni Claudine Barretto. 

Sa kanyang panayam sa ABS-CBN News, sinabi ng nagbabalik-teleseryeng aktres na bukas siya sa posibilidad na makatrabaho ang Optimum Star.

"Posibleng-posible naman. Wala naman nang imposible sa panahon ngayon at lagi ko nga sinasabi na I'm looking forward to work with Claudine, totoo 'yan," aniya.

"Ilang years ko na sinasabi na sana, at some point, makagawa kami ng pelikula ni Clau kasi it would be really nice to work with her,” dagdag pa ng Starla lead actress.

Isa pa sa inaasahan ng ilang fans kay Judy Ann ay ang makatrabaho rin muli si Piolo Pascual. Matatandaang may pinaghahandaan silang proyekto noon ngunit hindi na ito natuloy.

Paliwanag ni Juday, "Wala pa 'yung last time na sinabi ko. Mayroon kasing nag-offer, pero hindi natuloy, hindi kami nagkasundo with so many things, with the story.”

"May story naman na ino-offer, ngayon lang walang nag-o-offer sa amin. So 'yun nga 'yung sinabi ko before, it's very critical for a Juday-Piolo reunion project kasi it should be very well thought of. At the same time 'pag nabasa mo 'yung material, hindi mo naman dapat i-dictate kung sino ang leading man e. Alam mo na dapat kung sino ang dapat na gaganap doon," kwento niya.

Magbabalik-telebisyon na si Judy Ann sa seryeng Starla na mapapanood na ngayong Oktubre 7 sa Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.