• Home
  • Fresh Scoops
  • Filipina actress, tampok sa Hollywood animated film Abominable

Filipina actress, tampok sa Hollywood animated film Abominable

Isa ang Filipina actress na si Michelle Lagumen Wong sa mga aabangan ng manonood sa bagong Dreamworks animated film na Abominable.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/1/2019 2:31 PM
Filipina actress, tampok sa Hollywood animated film Abominable


Isa ang Filipina actress na si Michelle Lagumen Wong sa mga aabangan ng manonood sa bagong Dreamworks animated film na Abominable.

Tampok ang Pinay talent bilang boses sa likod ng ina ng bidang karakter na si Yi, na gagampanan naman ng Hollywood star na si Chloe Bennet. 

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Michelle na ilang buwan din ang naging proseso bago niya nalaman na kasama siya sa star-studded voice cast ng pelikula.

"We had the time to be able to sort of play around with every scene. We  really got to do it as many times as we felt we needed to, to get it right," aniya.

Lumaki sa San Diego, California, sa isang Pinay na ina at Chinese-American na ama, sinabi ni Michelle na mahalaga para sa kanya ang pampamilyang tema ng Abominable. 

Samantala, karangalan naman para kay Chloe, na unang sumikat sa US series na Marvel's Agents of Shield, ang gampanan ang karakter ni Yi na sa pelikula ay labis na nangungulila sa kanyang ama. 

"It's a beautiful example of how we all struggle in different way--whether it's adversity, or whether that's, you know, something significant like loss of a parent or whatever it is that makes us feel isolated or alone," aniya.

Makakasama nina Michelle at Chloe sa Abominable sina Albert Tsai, Tenzing Norgay Trainor, Eddie Izzard, Sarah Paulson, at Tsai Chin.

Palabas na ang Abominable simula Miyerkules, Oktubre 2.