• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda recalls how Regine Velasquez first welcomed him into her home

Vice Ganda recalls how Regine Velasquez first welcomed him into her home

Vice Ganda also hopes his fellow comedian and Regine fan Anton Diva could join him in their upcoming three-night concert.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/9/2019 2:01 PM
Vice Ganda recalls how Regine Velasquez first welcomed him into her home


Photo credit: @praybeytbenjamin/ @metrodotstyle on IG

Vice Ganda, who is finally living the dream of a die-hard 'Reginian' through an upcoming three-night concert at the Big Dome, recalled his early days as a fan and how Regine Velasquez first welcomed him and fellow fan and impersonator Anton Diva into her home. 

“‘Yung first time na makita ko siya in person, sa mga concerts niya. ‘Yung unang big concert niya na pinanood ko, Retro sa Folk Arts Theatre. Tapos nandun din ako sa Sunken Garden. Pero ang ‘di ko talaga makakalimutan fan ako ni Regine tapos pinapunta niya kami nila ni Anton sa bahay niya, pinagsukat niya kami ng mga damit niya. That time, magkasize pa kami. Ang payat-payat ko pa nun. Eh ngayong mamang-mama na ako eh. Hindi ko na kayang isuot ‘yung mga damit niya. Pinasuot niya ‘yung mga damit niya tapos pinasukat niya kung alin ‘yung kasyang sapatos sa inyo diyan, iuwi niyo. Mangiyak-ngiyak ako kasi ang laki ng paa ko. Size 10 ako. Si Anton nagwagi sa mga damit niya. Pero ako sobrang laking bagay na sa akin na nandodoon ako. Hanggang sa kwarto pinapasok niya kami. ‘Yung fan ha pinapasok niya sa bahay tapos pinapasok niya sa kwarto,” he said. 

Given a chance to pick a special guest for the night, the It’s Showtime host said he hopes to have fellow stand-up comedian Anton Diva on their concert.  

Ako personally gusto ko sana nandun si Anton Diva. Si Anton Diva kasi ‘yung kasabayan ko na super faney ni Regine. Sabay kaming pumipila sa mga concert niya. Sabay kaming nagkikipagtulukan sa mga pelikula niya. Sabay kaming bumibili ng album. Sabay kaming nagpapa-areglo ng kanta ni Regine. Itong realization ng pangarap ko hindi lang ito para sa akin. Gusto ko maging bahagi din si Anton nito kasi iba ‘yung nararamdaman kong saya ngayon sa puso ko. Gusto ko maramdaman din ni Anton kasi para sa amin ‘to. Pangarap naming dalawa ‘to,” he said during the pictorial for their upcoming concert. 

Kasi sobrang close na close sila ni Anton. Sana nga no? Sana pwede si bakla,” Velasquez added. 

Regine then shared how happy she is to have Vice, whom she described as a “superstar,” in a major concert.

Superstar talaga. One of the biggest stars we have here. Like I said I’m very, very proud of Vice ‘yung mga nai-contribute niya sa industriya natin. Napakalaki na ‘yun. Natutuwa ako na ngayon magkasama kami. Hindi na siya fan, alam mo ‘yun

Vice then quipped: “Fan pa din. I will forever be your fan. I will forever be excited to watch you, to see you, to hear you sing, to watch your performances. I will forever be a Regine Velasquez fan.”

Pero alam mo sweet talaga ‘to eh. Like natatandaan ko ‘yung silver. ‘Yung sa MoA. ‘Yung nawala ‘yung boses ko. Parang nakikiiyak sila lahat sa akin. Parang awang-awa sila sakin. I’m just as excited to be working with Vice. Na-iimagine ko na ‘yung mga kalokohang gagawin namin sa stage. Mag-eenjoy kayo sa kantahan, mag-eenjoy kayo sa tawanan. May iyakan din ba,” Regine said of Vice. 

Vice Ganda, who has already done several performances with the Asia’s Songbird from his early days as a comedian until the day he was finally joined by the latter in the Kapamilya network, considers their three-night concert his “biggest dream.”

“Once in a lifetime ‘to since ito nga ‘yung biggest dream ko. I will make sure na ito ‘yung isa sa pinakamalaking pangyayari sa buhay ko. Kaya sisiguraduhin kong magiging maganda ‘yung concert na kasama ko si Regine Velasquez kasi ‘di ba hindi ko alam kung kelan to ulit mauulit. Chance of a lifetime ko ito na makasama ko si Regine. ‘Pag nag-uusap nga kami sabi ko ‘You’re not just my idol, you’re my hero’ kaya malaking bagay sa akin ito. At saka hindi lang ako ang nag-aabang nito, ‘yung sangkabaklaan masayang masaya ito eh. Parang gay pride moment,” Vice Ganda said. 

When asked if she feels pressured at all, Regine responded: “More than the pressure, it’s ‘yung fun ‘yung iinisip ko na the whole time tumatawa lang ako. ‘Yung problem ko lang mamamalat ako kakatawa. ‘Yun lang poproblemahin ko. Kasi ito ‘pag magkasama kami tawa lang ako ng tawa eh. Sa pictorial pa nga lang ‘di ba parang tawang-tawa na ako.”

Meanwhile, Vice Ganda said he doesn’t feel any pressure at all because he has an OPM legend by his side during their show.  

Ako wala. Walang presssure. Kung solo ko ‘to mangangatog na naman tuhod ko. Pero since kasama ko si Regine, wala ‘to. Maning-mani ‘to. At saka siguro sa simula lang ako kakabahan ‘pag nagsimula ‘yung concert. Pero the moment na nandun na kami dalawa on stage, i-eenjoy ko na lang ‘to. Heaven sa akin ang experience na ito na makasama ko siya on stage,” Vice Ganda stated. 

Regine Velasquez and Regine Velasquez’s three-night Valentine concert is happening on February 14, 15 and 16 at the Araneta Coliseum. 

Tickets go on sale this Thursday, January 10.