• Home
  • Fresh Scoops
  • Missy Quino, ipinaliwanag ang dahilan ng kanyang voluntary exit sa ‘PBB’ house

Missy Quino, ipinaliwanag ang dahilan ng kanyang voluntary exit sa ‘PBB’ house

Nagbigay pahayag na si teen housemate Missy matapos niyang mag voluntary exit sa bahay ni Kuya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/9/2019 5:09 PM
Missy Quino, ipinaliwanag ang dahilan ng kanyang voluntary exit sa ‘PBB’ house


Photo credit: Pinoy Big Brother YouTube

Tila hindi umano pinagsisihan ngayon ng isa sa mga naging teen housemates ng Pinoy Big Brother: Otso na si Missy Quino ang kanyang naging desisyon na mag voluntary exit sa PBB house.

Matatandaan na umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang kanyang naging desisyon na pinanghinayangan ng karamihan.

“Kasi I entered ‘PBB’ fifth week na and then wala pa po akong masyado napatunayan noon. So parang naisip ko na I wasn't that deserving and at the same time po hindi ko po alam na I have that much support sa outside world po so parang, I thought na hindi ko sila ka-level and they deserve better,” aniya sa unang pagharap niya sa press.

Kung tatanungin naman kung may pang hihinayang sa kanyang naging desisyon,  Aniya, naniniwala siya na may magandang darating para sa kanyang pangarap na pag sikat bilang isang artista.

“But then, nung napunta po ako doon sa camp (Star Hunt), I got to know more about the housemates kahit na wala po ako doon sa ‘PBB.’ So that was a huge thing for me. Hanggang sa nag-big night na po and naisip ko na siguro si God may maganda siyang plano para sa akin," pahayag pa niya.