• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Miss Q and A’ Elsa Droga ibinahagi ang panata sa Quiapo

‘Miss Q and A’ Elsa Droga ibinahagi ang panata sa Quiapo

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/9/2019 10:11 AM
‘Miss Q and A’ Elsa Droga ibinahagi ang panata sa Quiapo


Photo credit: @elsa.droga • on IG

Makulit at ayaw paawat sa pagpapatawa sa harap ng camera. Ganito natin nakilala si Elsa Droga na nakilala sa Miss Q and A ng It’s Showtime.

Pero marami ang hindi nakakaalam na isang deboto si Elsa ng mahal na poong Nazareno ng Quaipo.

Ayon kay Elsa, nagsimula ito noong bata pa siya, kung saan malapit ang kanilang tahanan sa simbahan ng poong Nazareno.

“Batang Quiapo po talaga ako. Naka-paa nga lang ako nagpupunta ng Quiapo. Dati eh meron kami grupo ng Nazareno. Talagang nayaya ako mag-Nazareno, pumapasan-pasan. Noong una akala ko nakakatakot kasi gitgitan,” sabi pa ni Elsa. 

Hindi din makakalimutan ni Elsa ang kanyang mga hiling noon sa poong Nazareno na ang karamihan ay milagrong ipinagkaloob sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank u so much po sa lahat ng sumabaybay At nanuod ng RATED K This is Me ELSA DROGA “Mas Magandang Ayawan ako ng Maraming Tao sa Tunay kong Pagkatao.. Kaysa Mahalin nila ako sa Hindi ko naman Tunay na Pagkatao” “Be PROUD of WHO YOU ARE” and I Thank You! Thank you Star Image Artist Management Sir Vince Apostol Sir David Bhowie C R.M Prince John Narrido Gerard Dave de Castro Ate Cris Molabola ChaDan Euqias Jasmine Sangel Montemayor Droganianz Rated K and sa lahat ng Sponsors na tumulong At sa lahat po ng sumusuporta sakin Cre8 Salon The ICON Clinic Montage Skin Science and Aesthetics Prettylooks John O. Crespo Dental Center The Aesthetics Studio by Kristine Lucas Make up by Kaye Styled by The Jemi Nicdao #elsadrogaLevelUp2.0

A post shared by Elsa Droga Mendoza (@elsa.droga) on

 

“Unang-una yung wish ko dati pa yun ah di pa ako kilala di pa ako lumalaban sa mga (Miss Gay Beauty Contest) ang wish ko sana dati isang araw makilala ako. Tapos yung pangalawang wish ko bago ako sumalang ng ‘Miss Q and A’ pumunta talaga ako ng Quiapo nag tirik ako ng kandila,” kuwento pa ni Elsa sa atin.

At kung tatanungin kung hanggang kailan siya susunod sa poon ng Nazareno, makahulugan at malalim ang kanyang naging kasagutan.

“Hanggang na nabubuhay ako. (Bakit?) kasi iyun yung ano eh yung panata ko sa buhay eh hangga’t nandyan siya,” pahayag pa ni Elsa.

Gaya ng marami, hiling ngayon ni Elsa na madagdagan pa ang mga mapagmilagruhan ng itim na Nazareno ng Quiapo.