• Home
  • Fresh Scoops
  • Kyle Echarri wants Andrea Brillantes to be his leading lady someday

Kyle Echarri wants Andrea Brillantes to be his leading lady someday

Kyle Echarri talks about best friend Darren Espanto and ‘very special friend’ Andrea Brillantes.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/9/2019 10:52 AM
Kyle Echarri wants Andrea Brillantes to be his leading lady someday


Photo credit: @kyleecharri/ @blythe on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, nagsalita si singer at Kadenang Ginto actor Kyle Echarri tungkol sa mga taong malalapit sa puso niya.

Parte siya ng group of friends na ang tawag ay Potato Squad at tinanong kung nabuwag na nga ba ang grupo dahil sa hindi pagkakaunawaan ni Ylona Garcia at ni Darren Espanto. Ani Kyle, “Hindi naman po. Wala naman po talagang away na away talaga. Disagreement lang po yun.”

Paliwanang niya tungkol sa nangyari sa pagitan ni Ylona at Darren, “tzhey just stopped talking for a certain reason na hindi ko po masabi, tapos they weren’t really able to fix it until I tried to make them close again and then nung ASAP Sydney po, that’s when they became close again.” 

Si Darren ang “pinaka-best friend” ni Kyle sa showbiz dahil ayon sa kanya, “may nahanap po akong trust sa kanya na hindi ko po mahanap sa ibang tao na siya lang po ang meron. I treat him like he’s my family he’s my brother. When he’s down nandun ako para sa kanya, tapos when I’m down he’s there for me.”

Sinuportahan din niya ang best friend nang magkaroon ito ng online spat kay singer JK Labajo. Naging honest din siya at sinabi kung ano ang nararamdaman niya para kay JK. Ani Kyle, “I’m not mad pero I’m not happy with him.”

READ: For the first time ever, Juan Karlos Labajo speaks up on issue with Darren Espanto

Tungkol naman sa Kadenang Ginto co-star na si Andrea Brillantes, ito ang masasabi ni Kyle tungkol sa kanya, “She’s a very special friend to me.”

Nagsimula ang ugong na may espesyal na ugnayan ang dalawa dahil sa viral photo nila na kinunan sa beach. Dinepensahan din ni Kyle si Andrea mula sa online bashers na binastos ang dalaga. Ayon kay Kyle, “Nirerespeto ko naman po yung Mama niya, yung pamilya niya and my Mom kasi kami ni Andrea sobrang close lang po talaga kami. She’s a very special friend that I care about and I’ll always be there for her if she needs me.”

READ: ‘Kayo na ba?’: Kyle Echarri and Andrea Brillantes’ beach photo spark relationship rumors

Minessage din daw ni Kyle si Andrea bago siya sumalang sa interview sa TWBA. Pangarap ni Kyle maging leading man balang araw at gusto daw niyang maging leading lady niya si Andrea.