Jodi Sta. Maria, may international film na gagawin

Jodi Sta. Maria, tadtad ng projects ngayong 2019.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/9/2019 11:01 AM
Jodi Sta. Maria, may international film na gagawin


Sa ulat ng TV Patrol, puno ng blessings ang 2019 ni Jodi Sta. Maria na kasalukuyan nang ginagawa ang pelikula kasama si Marvin Agustin na Second Coming. Ayon kay Jodi tungkol sa pelikula, “This is a mix of drama, a psych thriller, horror at ano ba ‘tong nagho-haunt sa pamilyang ‘to? Totoo ba ‘tong multo?”

Nakalinya rin siyang gawin ang pelikula na Man and Wife ni Direk Laurice Guillen at horror film na Clarita.

Kaya naman bago nagbalik trabaho ay tinodo na ni Jodi ang bakasyon kasama ang anak na si Thirdy. “Nagpunta kami ng Finland and nag-Sweden kasi yun yung request niya. First time kaming nakapag-try ng huskies sledding and at the same time we were able to drive a reindeer so we were able to get a reindeer’s driver’s license.” 

WATCH: How traveling helped Jodi Sta. Maria’s son Thirdy to have a different perspective in life

Hindi rin ni Jodi mapigilan ang excitement nang ikuwento ang international film na gagawin niya ngayong 2019. “Gagawa tayo ng international film very soon pero wala pa ako sa posisyon to spill the beans but I’m really praying about it. Hollywood levels,” sabi ni Jodi.

Dagdag pa ni Jodi, “Kaya sobra akong kinikilig kasi hindi ko sila alam kung paano ko sila haharapin, baka ma-tongue tied ako, baka manganga ako, baka ma-star struck ako…” 

Busy na rin si Jodi sa pinakabago niyang teleserye na Mea Culpa.