• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal, ipinaliwanag ang kakaibang tema ng kaniyang bagong bahay

Maris Racal, ipinaliwanag ang kakaibang tema ng kaniyang bagong bahay

Ibinahagi din ni Maris Racal ang mga natutunan sa pagpapatayo ng sariling bahay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/8/2019 10:59 AM
Maris Racal, ipinaliwanag ang kakaibang tema ng kaniyang bagong bahay


Photo credit: @mariesteller on IG

Naging mas masaya ang Pasko ng Kapamilya actress-singer na si Maris Racal dahil kasama niya ang kanyang buong pamilya na nag-celebrate sa kaniyang bagong bahay. Sa kanyang pahayag sa episode ng Magandang Buhay kahapon, January 7, "Nakasama ko yung lola ko po, yung mama at papa ko, yung mga kapatid ko. Talagang pinapunta ko sila kasi sabi nila kapag first Christmas at New Year dapat nasa bagong bahay ka po."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My Birdbox Family Picture #birdboxchallenge

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

 

Ayon sa 21-year-old singer, may kakaibang tema ang kanyang bagong bahay na siya mismo ang may ideya. "Yung theme ng bahay ko, hindi siya yung typical na bahay na may lamesa, yung pang-age ko talaga, yung bar lang yung kinakainan namin, hindi yung bar talaga, yung counter," kuwento ni Maris.

 

Hands-on rin daw ang “Love is Easy” singer sa pagpo-proseso ng mga papeles na kinakailangan sa bagong gawang bahay. "As in, yung pag asikaso ko sa bahay, ako lang lahat. Hands-on talaga ako. Ako yung nakikipag-usap sa bangko, pumupunta talaga ako sa bangko, pumipila ako.

"And then dun ko lang nalaman yung amilyar, and then nalaman ko na mas mura siya kapag binayaran ng buo sa isang taon," masayang pagkukuwento ni Maris tungkol sa mga natutunan niya. 

 

 

Bukod sa bagong bahay, nakapag pundar na rin si Maris ng sariling negosyo, isang restawran sa Davao, na opisyal na nagbukas noong December ng nakaraang taon.

READ: Maris Racal, ibinahagi ang pagbubukas kamakailan ng kanyang naipundar na restawran

READ: Ano ang New Year’s resolutions nina Maris Racal and Inigo Pascual?