• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Hernandez at Moira Dela Torre, dalawang taon nang naghihintay para sa kanilang “first kiss” bilang mag-nobyo at mag-asawa

Jason Hernandez at Moira Dela Torre, dalawang taon nang naghihintay para sa kanilang “first kiss” bilang mag-nobyo at mag-asawa

Jason Hernandez at Moira Dela Torre, ‘super excited’ na sa kanilang first kiss at honeymoon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/8/2019 11:14 AM
Jason Hernandez at Moira Dela Torre, dalawang taon nang naghihintay para sa kanilang “first kiss” bilang mag-nobyo at mag-asawa


Photo credit: @moirarachelle on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, kinuwento ng soon-to-be married couple Moira Dela Torre at Mark Jason Hernandez na namanhikan na ang pamilya ni Jason noong Christmas Eve, 2018. Pormal daw na hiningi ng dad ni Jason (para kay Jason) ang kamay ni Moira mula sa mga magulang nito. Kinailangan din daw mag-“yes” ni Moira sa naturang pormalidad.

Dagdag pa ni Jason, “For formality na lang, I got na their blessings beforehand but apparently kapag pamamanhikan pala my Dad is the one asking for Moira’s hand for me.”

Suwerte rin daw ito sabi ni Moira, “Suwerte ang Noche Buenang pamamanhikan.”

Aminado rin ang dalawa na excited na sila para sa kanilang honeymoon. Alam ng publiko na parehong Christian sina Moira at Jason kung saan hindi ine-encourage ang intimacy sa pagitan ng unwedded couple. Kwento pa ni Moira, “I’m very excited, Tito Boy, hindi niyo po alam kung anong nangyayari sa kotse kapag nagpi-PMS ako tapos gusto kong mag-kiss tapos ayaw niya. So naiiyak ako. Dalawang taon na kasi Tito Boy, medyo matagal na yung paghihintay.”

Pero ayon kay Moira, bukod sa honeymoon ay excited siyang makasama ang kanyang soon-to-be husband kung saan makukumpleto na ang kanyang “pamilya.” Very vocal si Moira sa mga past interviews niya na hiwalay ang parents niya simula noong bata pa siya, “pero more than the wedding and the honeymoon, recently I’ve just been most excited about the normalcy because you know growing up I was always… if I was home with my Mom, I was missing my Dad. And if I was home with my Dad, I’d be missing my Mom. And this is the first time in my entire life where I am home with my family complete because he’s my family now.”

Dagdag pa ng singer, “And I’m very excited for the normalcy, for the quiet times we’ll be spending just understanding that we’re not alone, that I’m loved. I’m most excited for that.”