• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinu-sinong celebrities ang hinulaang magkakaroon daw di umano ng baby ngayong 2019?

Sinu-sinong celebrities ang hinulaang magkakaroon daw di umano ng baby ngayong 2019?

Ani ng hula, mabubuntis daw si Kathryn Bernardo ngayong taon at magkakaroon naman ng baby boy si Coco Martin.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/7/2019 3:44 PM
Sinu-sinong celebrities ang hinulaang magkakaroon daw di umano ng baby ngayong 2019?


Sa New Year special ng Rated K kahapon, January 6, ibinigay ng mga Feng Shui experts ang kani-kanilang predictions sa mga favorite Kapamilya stars at love teams para sa taong 2019. 

Ayon sa hula, maaaring mabuntis ngayong taon ang The Hows of Us lead actress na si Kathryn Bernardo. "May isang artista na nakikita namin na may chance na puwedeng mabuntis ngayong taon na ito, si Kathryn Bernardo," sabi ni Master Thomas. Pinag-iingat naman ni Master Ang on-screen at real-life partner ni Kathryn na si Daniel Padilla dahil magiging malapit daw ito sa aksidente. "Si Daniel medyo mag-iingat lang kasi Year of the Pig siya. Puno ng challenge. Malapit si Daniel sa accident itong taon na ito," ani Master Ang na isang numerologist.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

MALIGAYANG PASKO! 🎄 📸@markednicdao

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

Bukod kay Kathryn, hinulaan din na magkakaroon ng anak ngayong taon ang FPJ's Ang Probinsyano actor na si Coco Martin. "The more na tumutulong siya, the more na na-activate ang kanyang mga blessings. Sa chart niya this year, may baby boy akong nakikita," sabi ni Master Hanz Cua.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@mr.cocomartin x @daviespaints #CocoMartin #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Isang babala naman para sa kalusugan ang iniwan ni Master Ang para kay Enrique Gil, "Maganda ang taon niya kasi Year of the Monkey (siya pinanganak). Pero mag-iingat sa health. Ang Year of the Monkey, isa yan sa mga taon na hindi kasundo ng Pig."

Samantala ipinaliwanag din ni Master Ang kung bakit magiging maganda ang taong 2019 para sa love team ni Maymay Entrata at Edward Barber, o MayWard. "Ipinanganak si Maymay sa panahon ng Year of the Ox, mas magiging maganda ang taon ni Maymay ngayong taon. Si Edward naman ipinanganak ng Dragon, lahat nang ipinanganak ng Dragon ngayong taon na ito, bongga ang magiging taon nila sobrang ganda," ani Master Ang.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#SkechersxChalkMayWard

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

Isang successful 2019 naman ang hula ni Master Hanz para kay Nadine Lustre at ka-loveteam at real life boyfriend nitong si James Reid. "Mas maganda ang pagpasok ng chart ng stars kay Nadine, marami siyang success at siya ang possible na magdala sa kanilang love team. This year, mas marami siyang project and endorsement na lalabas sa month of March, June, September and December," ani Master Hanz.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

☁️ @sofiamusic

A post shared by Naddie 🦋 (@nadine) on