• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino lumipad muli papuntang Singapore dahil sa kanyang karamdaman

Kris Aquino lumipad muli papuntang Singapore dahil sa kanyang karamdaman

Kris Aquino inamin ang iba pang mga sakit, kalahating buwang sasailalim sa series of medical tests sa Singapore.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/7/2019 5:59 PM
Kris Aquino lumipad muli papuntang Singapore dahil sa kanyang karamdaman


Photo credits to krisaquino IG

Umalis nang muli nitong January 6 si  Kris Aquino patungong Singapore para sa ilang series of tests na may kaugnayan pa rin sa kanyang health conditions.

 

 

Sa interbyu kay Kris na ibrinodkas din sa kanyang Facebook Live nu’ng Sabado (Jan. 5) ay inamin ng Queen of All Media na she is battling “a form of lupus.”

Pag-amin niya, “Ang inamin ko po sa inyo was the chronic spontaneous urticaria and that is true. I did not want to specify, because my attorney told me na huwag ko sabihin iyong mga allergies kasi pinapadali mo for your enemies to kill you.

“But now I can tell you the truth, I'm allergic to every single medicine that can cure you or at least manage your symptoms kung may lupus ka. All my doctors are doing now is delaying it. They’re delaying the inevitable.”

Dagdag pa ni Kris, she has been diagnosed to be allergic to the medicine that can combat the disease.

“I’m allergic in anything in the environment. Bawal sa akin ang puno (trees), weird po, lumabas lahat yan sa Singapore, ganun ka-thorough,” she said.

May pollen allergy din si Kris na nagiging dahilan para sumikip ang kanyang paghinga.

“Siguro, sasabihin nila ang arte naman, hindi po. Naninikip po ang lalamunan (ko). Ang ibig sabihin no’n hindi na nakakahinga. So, I am one fatal allergic reaction away from anaphylactic shock.”

Kapansin-pansin din ang pagbaba ng timbang ni Kris sa ilang photos na naka-post sa kanyang Instagram.

 

 


“I know you’ve noticed the weight loss, we’ve done our best para dayain,” sabi pa niya.

Ibinihagi rin ni Kris na ang dahilan ng pagpunta niya ng Singapore ay para ipa-check din ang bukol na meron siya sa kanang bahagi ng kanyang leeg.

"Hindi ako humihingi ng awa sa inyo because God has been really good to me. Pero nanay ako, eh, I just want to be alive for the two. I even said, kunin na lahat ‘to, ibigay lang ako sa kanila (mga anak),” emosyonal pa niyang pahayag.

Fourteen days o halos kalahating buwang mawawala sa Pilipinas si Kris at habang nasa Singapore ay balak niya rin munang i-deactivate ang kanyang social media accounts na payo raw ng kanyang mga doctor para makaiwas sa stress.