JM De Guzman, to hold his first major concert

Bukod sa concert, maglalabas din si JM ng bagong album ngayong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/7/2019 9:19 AM
JM De Guzman, to hold his first major concert


Photo credits: @1migueldeguzman (right)

Emosyonal si JM De Guzman nung unang malaman niya na in the works na ang kanyang unang major concert. Sa naganap na pictorial para sa kanyang project noong Sabado, January 5 ibinahagi ni JM sa PUSH ang nararamdaman niya. 

"Very emotional, habang nagpi-pictorial, naiiyak ako kasi never kong naisip na mangyayari ito," sabi ng aktor.

Kasalukuyang hinahanda na ang mga magiging guest artists at mga kakantahin ni JM, pero pinaka excited siya na makatrabaho ang magiging direktor na si Alco Guerrero ng One Music PH. "Wala pang actually final na nag-approve (sa guests). Pero marami kaming kino-consider na sobrang gagaling na artist. Basta ang masasabi ko lang this will be directed by Alco Guerrero, kaya sobrang magiging malupet to, rak en roll to," pahayag ni JM.

Mangyayari sa Music Museum, February 1 ang pinaka unang solo concert ni JM, na pinamagatang, 'Love Goes On.'

Bukod sa concert, ibinahagi din ni JM na tapos na ang kanyang latest album, at hinihintay na lang itong ilabas ng One Music PH. Ayon kay JM, may isang kanta siya sa bagong album na isinulat ng  magkasintahan na sina Moira Dela Torre at Jason Marvin. "May mga malulupet na na artist na nagbigay sa kin like, Moira and Jason, binigyan nila ako ng kanta," kwento niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

kitakits.:) thank you Lord for this.🙏

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on