• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk JP Habac, na-challenge sa pagkakaroon ng gap ng McLisse habang shooting ng 'Sakaling Maging Tayo'

Direk JP Habac, na-challenge sa pagkakaroon ng gap ng McLisse habang shooting ng 'Sakaling Maging Tayo'

Ayon din kay JP Habac, isa sa mga challenges din sa shooting ay ang mga multo sa Baguio.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/7/2019 9:29 AM
Direk JP Habac, na-challenge sa pagkakaroon ng gap ng McLisse habang shooting ng 'Sakaling Maging Tayo'


Photo credits: @jphabac IG (right)

Sa naganap na press conference noong Sabado January 5, hindi itinanggi nina Mccoy De Leon at Elisse Joson ang naging away nila noong nakaraang taon, at kung paano ito nakaapekto sa kani-kanilang trabaho lalo na sa kalagitnaan ng shooting para sa pelikulang Sakaling Maging Tayo

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

So much love for these two bagets. #SakalingMagingTayo

A post shared by JP Habac (@jphabac) on

Sa nabanggit na press conference, ikinuwento ng direktor ng pelikula na si JP Habac kung paano niya pinagsabihan sina Elisse at Mccoy na ihiwalay ang personal na isyu at magpokus sa trabaho. 

"Ako naman ang ginawa ko, reminder lang, hindi lang sa kanilang dalawa (McLisse) kundi sa limang to (McLisse, Chai Fonacier, Paulo Angeles, at Milo). Sabi ko, kung may pinagdadaanang personal, dapat hindi na maapektuhan ang trabaho. Kasi hindi lang naman sila ang naaapektuhan pati ang mga taong nagtatrabaho behind the camera. So patuloy lang na reminder na kelangan kung may personal problems, 'wag natin dadalhin sa trabaho," kwento ni Direk JP.

READ: McCoy De Leon sa naging relasyon kay Elisse Joson: "Parang naging kami na rin"

Ayon pa kay Direk JP, ang kwento ng Sakaling Maging Tayo ay unang nabuo noong siya ay first year college pa lang sa University of the Philippines Baguio. 

"Kase nag first year college ako sa UP Baguio, sobrang memorable yung lugar na yon for me. So (sinabi) ko noon na gusto kong gumawa ng pelikula na, may nangyari sa isang event tapos may makikilala kang isang tao for that night, na hindi mo alam na magbabago pala sa buhay mo forever," pahayag ni direk.

Bilang direktor din ng  I'm Drunk, I Love You, na pinagbidahan nina Maja Salvador at Paulo Avelino noong nakaraang taon, tinanong si Direk JP kung kumusta maging katrabaho ang first-timers sa pelikula na sina McCoy at Elisse. "Hardworking yung dalawa, sobra. Kahit minumulto na kami sa Baguio, tuloy pa rin. Andun yung commitment ng dalawa," sagot niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ayun na nga. Pahabol ni 2017. #McLisse sa 2018. ❤️

A post shared by JP Habac (@jphabac) on

Isa rin daw sa mga challenges ng paggawa ng pelikula ang mga multo. "Normal naman siguro talaga yun sa Baguio, lalo na yung pinag shootingan namin na Teacher's Camp. Kelangan naming magdasal at mag-insenso bago mag-shooting," kwento pa ni Direk.

Ipapalabas na sa mga sinehan ang Sakaling Maging Tayo simula January 16. Ito ang unang pelikula na ilalabas ng produksyon ng Black Sheep at ABS-CBN films ngayong 2019.