• Home
  • Fresh Scoops
  • Rufa Mae Quinto, kanino plano ipamana ang titulo ni ‘Booba’?

Rufa Mae Quinto, kanino plano ipamana ang titulo ni ‘Booba’?

Markado sa papel na ‘Booba’ si Rufa Mae Quinto noong 2001.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/6/2019 12:51 PM
Rufa Mae Quinto, kanino plano ipamana ang titulo ni ‘Booba’?


Kuwento ni Rufa Mae Quinto, hindi niya inakala na magiging sunod-sunod ang kanyang proyekto sa ABS-CBN. Una na dito ang isang proyekto kasama sina Arci Muñoz at Pepe Herrera.

“Meron kami ni Arci Muñoz, Jan En Marshan sa ABS-CBN yon. Tapos Home Sweetie Home. Tapos mayroon din ako gagawin sa Viva Films,” 

Looking forward pa din si Rufa Mae sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz na isa sa mga orihinal na miyembro ng Home Sweetie Home.

“Oo, naman. Hindi naman kami nagkasama in my whole Home Sweetie Home episodes, pero lunch, dinner, ganun lang. Sa work? Wala pa pero siyempre naman nangangarap pa din ako na makasama ang isang John Lloyd Cruz na talagang mahusay na aktor,” aniya.

Bukod sa Home Sweetie Home, minsan ding tumatak sa manunuod si Rufa Mae sa mga manunuod bilang si Booba na naging isang pelikula din.

Kung tatanungin kung kanino niya napupusuan na ipamana ang kanyang role bilang si Booba, ito ang kanyang naging sagot:

Taong 2001 nang ginawa ni Rufa Mae ang kanyang hit sexy comedy movie.