Mutya ng Pilipinas pageant president resigns

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/6/2019 10:56 AM
Mutya ng Pilipinas pageant president resigns


Photo credits to the owner

Kasabay ng mga usap-usapan na major changes sa Binibining Pilipinas Pageant, mukhang hindi pakakabog ang isa sa oldest pageant search sa Pilipinas, ang Mutya ng Pilipinas. Katatapos lang mag-celebrate ng Mutya ng kanilang 50th golden anniversary last 2018 na pinangunahan ng presidente nito at former beauty queen na si Hemilyn Escudero Tamayo.
 
Laking gulat ng pageant world ng Biyernes, January 4, ng gabi ay nag mensahe ito sa chat group ng mga pageant press na magbibitiw na siya. Ito rin ang naging status sa kanyang social media post.
 
Sa ngayon, ayaw pa magbigay ng detalye ni Escudero Tamayo sa rason ng kanyang pagbibitiw. 
 
Ito ang kanyang pahayag:
 
“I’d like to thank everyone for supporting Mutya Ng Pilipinas and me, especially during our 50th Anniversary Celebration. It is with a heavy heart though that I have recently tendered my resignation as President. I still wish the very best for Mutya which I have considered family through these many years. Thank you and God Bless us all.