• Home
  • Fresh Scoops
  • Closeness nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes, pinatunayan ni Vice Ganda

Closeness nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes, pinatunayan ni Vice Ganda

Hindi din totoo ang isyu ng hindi pagkakasundo nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes noon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/6/2019 12:40 PM
Closeness nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes, pinatunayan ni Vice Ganda


Isa sa maituturing na highlight ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Vice Ganda na Fantastica ang pagsasama ng dalawang iniidolong leading men na si Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

Matatandaan na bago ang pelikula, naging matunog noon ang hindi pagkakaunawaan nina Richard at Dingdong na dahilan umano ng pagsasama nila sa isang pelikula sa kanilang former network.

READ: Dingdong Dantes and Richard Gutierrez join forces with Vice Ganda in 2018 MMFF entry

Pero ayon kay Vice, hindi tunay ang mga balitang ito kay Richard at Dingdong na close na close as set ng Fantastica.

“Close silang dalawa. Malayong malayo sa iniisip ng mga tao na hindi okay si Richard at Dingdong at Dingdong kay Richard,” ani Vice sa panayam ng PUSH at entertainment bloggers.

Aniya, kahit siya mismo ay nabigla sa closeness nina Richard at Dingdong na animo’y matalik na magkaibigan.

“Nabigla din ako kasi in-assume ko na magkakilala sila pero hindi sila close. Pero parang mag best friends, chikahan ng chikahan,” ani Vice.

“Sobra silang close na nakakatuwa, kaya ang gaan gaan ng set namin, walang anything, walang pressure, nag-enjoy lang kami,” patuloy pa ni Vice.

Sa ngayon, patuloy pa din na napapanuod sa mga sinehan ang mga pelikula ng 2018 Metro Manila Film Festival na tatagal hanggang sa ika-pito ng Enero.