• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez, may pinatamaang mga baguhang artista sa social media

Aiko Melendez, may pinatamaang mga baguhang artista sa social media

Sino kaya ang tinutukoy ni Aiko Melendez?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/6/2019 11:01 AM
Aiko Melendez, may pinatamaang mga baguhang artista sa social media


Photo credits: @aikomelendez IG

Halatang may pinatatamaan ang award-winning actress na si Aiko Melendez sa latest post niya sa kanyang Facebook account patungkol sa mga baguhang artista sa showbiz industry.
 
Ayaw naman ng aktres na magbigay ng mga pangalan kung sinu-sino ang kanyang tinutukoy o kung may mga nakatrabaho na siyang mga “newbie” na katulad ng binigyan niya ng shout out sa social media.
 
“For the Newbies: The more you go up, the more you should be humble. Always keep your feet on the ground. Never allow stardom to eat the best of you.
 
“Ang observation ko kasi sa mga baguhan now kapag madaming followers sa twitter or Instagram, ibig sabihin made ka na. Nope po.
 
“Ang basis ng kasikatan ng artista is not only with one hit. Kaya nga me tinatawag na longevity, hanggang san tatagal ang kinang at galing mo?
 
“Yung iba kasi ginagamit din ang pagiging diva sa imaging. But for me. mas gugustuhin ko madinig sa katrabaho ko na, ‘Ay si Ms Aiko, ang gaan kasama sa work at magaling na artista.’ Kesa sa madinig na ang bigat nya kasama.
 
“I am speaking based on the fact na 30 years na ako sa industry at modesty aside wala pa ako naringgan na nagreklamo sa akin.
 
“Ayan tularan sana ng mga baguhan yan!
 
“Be Humble.”
 
Samantala, kapapanalo lang ni Aiko ng Best Supporting Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival awards night para sa pelikulang Rainbow’s Sunset na pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Gloria Romero under the direction of Joel Lamangan.