Regine Velasquez, may sarili nang makeup line

Proud na ibinahagi ng singer ang kanyang bagong makeup line sa tulong ng isang kilalang brand.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/5/2019 11:02 AM
Regine Velasquez, may sarili nang makeup line


Photo credit: @reginevalcasid IG

Isang collaboration ngayon ang ibinahagi ni Songbird Regine Velasquez sa isang makeup brand.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Regine ang ilan sa kanyang mga teaser ng bagong make up line na kanyang endorse kung saan nag ala reyna siya sa kanyang photo shoot.

Kilala si Regine sa kanyang husay sa pag-aayos ng sarili kahit wala ang tulong ng isang professional makeup artist.

Matatandaan na kamakailan, tampok si Regine sa isang online magazine kung saan ibinahagi niya ang talento sa pag me-makeup ng kanyang sarili.

Sa ngayon, napapanood pa rin tuwing Lingo sa “ASAP Natin To si Regine at naghahanda na din siya sa nalalapit na pagsisimula ng “Idol Philippines” kung saan isa siya sa mga hurado.