• Home
  • Fresh Scoops
  • Philippine bet Karen Gallman, positibo na makukuha ang unang korona ng Pilipinas sa Miss Intercontinental

Philippine bet Karen Gallman, positibo na makukuha ang unang korona ng Pilipinas sa Miss Intercontinental

Si Karen Gallman na kaya ang unang Pinay na makakasungkit ng korona sa Miss Intercontinental?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/5/2019 1:20 PM
Philippine bet Karen Gallman, positibo na makukuha ang unang korona ng Pilipinas sa Miss Intercontinental


Photo credit: @karen_gallman IG

Kasabay ng puspusang paghahanda ni 2018 Binibining Pilipinas Intercontinental Karen Gallman, dasal at panalangin ngayon ang hiling ng Pinay beauty para sa inaasam na unang korona ng Miss Intercontinental.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Lightning strikes every time she moves⚡️⚡️⚡️ 📷 @renzpangilinan

A post shared by KAREN GALLMAN (@karen_gallman) on

Si Gallman ang kinatawan ng Pilipinas sa 47th Miss Intercontinental pageant na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa darating na Enero 26.

Kaya naman todo na rin ang kanyang pananabik para sa nalalapit na laban.

“I think it’s also an advantage for me that it will be happening here in the Philippines. Because I will have my supporters supporting me during the finals night, so I’m very excited for that,” tugon niya sa naganap na send-off celebration sa kandidata.

Aniya, puspusan ang kanyang naging paghahanda para sa nalalapit na laban.

READ: Karen Gallman, todo paghahanda na sa 47th Edition ng Miss Intercontinental pageant

“At the same time I’ve been preparing so very hard it’s been very challenging and very busy for me especially since this whole remaining days,” aniya pa.

Nagdaan man ang Pasko at Bagong Taon, hindi din tumigil sa training ang Pinay beauty queen.

EMBED: https://www.instagram.com/p/BsLU52qlk_V/?utm_source=ig_share_sheet&igshid=z4kh04qhdxgt

“It’s good because I feel very prepared for the competition, really prepared for anything,” sabi pa niya.

At kahit hindi pa dumarating sa Pilipinas, sinimulan na din ni Gallman ang pagkilala sa kanyang mga makakalaban.

“I’m very exciting to meet every girl, I’ve spoken to them on social media and we have our WhatsApp group as well. So I’ve gotten to know the girls online so I’m very excited for them to come here,” pahayag pa niya.

Matatandaan na si Katarina Rodriguez ang huling pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental kung saan naiuwi niya ang first-runner-up.