• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso housemate Ali Abinal, tinanggap ang paratang ng fans na traydor siya

PBB Otso housemate Ali Abinal, tinanggap ang paratang ng fans na traydor siya

PBB Otso housemate Ali Abinal, tinanggap ang paratang ng fans na traydor siya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/5/2019 1:08 PM
PBB Otso housemate Ali Abinal, tinanggap ang paratang ng fans na traydor siya


Sa Tonight with Boy Abunda, diretsang sinagot ni former Pinoy Big Brother Otso teen housemate Ali Abinal ang mga paratang na binabato sa kanya. 

Una, tanggap niya ang tawag sa kanya ng fans na “traydor.” Ani Ali, “May part po na totoo sa traydor kasi even po na housemate nga po ako, I chose to help the Star Dreamers kesa sa housemates.”

Dagdag pa niya tungkol dito, “Kasi I’m aready a housemate when I chose to help the Star Dreamers. I knew na pag nag-join po ako ng Star Dreamers magiging outnumbered po ang housemates. May point naman po sila dun.”

Pero bakit nga ba ni Ali tinulungan ang Star Dreamers? Sagot niya, “They are Star Dreamers and I’m already a housemate and a Star Dreamer’s dream is to become a housemate. Ako po nagkaroon ng chance na maging housemate habang sila stuck sa pagiging Star Dreamer…” Sa ginawa daw niyang pag panig sa Star Dreamers ay inisip niyang makatulong mabigyan ng chance ang Star Dreamers na maging housemate.

Pangalawa, wala rin problema kay Ali ang pagtawag sa kanya ng fans na “walang pakisama.” “May part po talaga na hindi ako nakisama sa housemates kasi parang hindi ko po sila masyadong kinakausap and parang naging mahiyain ako and parang ayaw ko sila kausapin dahil hindi ko sila like ganun. Parang pinangunahan ko po yung pakiramdam ko kesa po I tried na makipag-usap sa kanila,” sabi ni Ali.

Pangatlo, hindi kinaila ni Ali na nagkaroon siya ng attraction kay housemate Missy Quinio. “Hindi po kami nagkagustuhan ni Missy pero nagkaroon po ako ng attraction sa kanya. Talagang parang kapansin-pansin po yung puti niya, yung ganda niya.”

Pero dahil may girlfriend si Ali ay pinigilan daw niya ito, “pero hindi ko po pinansin, hindi ko pinalaki lalo. Hindi ako naki-close as in parang iniiwasan ko pa nga po siya e.”

Ayon kay Ali, infatuation lang ito kung kaya iniwasan niyang lumalim ang feelings niya para kay Missy. Bukod dito, ayaw daw niyang saktan ang girlfriend niya. 

Strict din daw ang parents ng kanyang girlfriend kaya hindi pa legal ang relationship nila sa pamilya nito.