• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon sa naging relasyon kay Elisse Joson: "Parang naging kami na rin"

McCoy De Leon sa naging relasyon kay Elisse Joson: "Parang naging kami na rin"

Inamin nila McCoy De Leon at Elisse Joson na naging mahirap ang sitwasyon nila habang tinatapos ang pelikulang 'Sakaling Maging Tayo.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/5/2019 10:12 PM
McCoy De Leon sa naging relasyon kay Elisse Joson:



Naging honest sa kanilang mga pahayag sina McCoy De Leon at Elisse Joson tungkol sa mga personal na isyung pinagdaanan habang nagshu-shoot para sa pelikulang Sakaling Maging Tayo. Sa press conference na naganap kahapon, January 5, inamin ng McLisse na naging mahirap para sa kanila ang tapusin ang pelikula dahil sa 'di pagkakaunawaan noon.

 

 

"May hindi kami pagkakaintindihan noon ni McCoy during shooting, (natutunan ko na) kapag isinapuso at isinaisip namin na kailangan natin itong i-set aside, kailangan mabigay ng maayos, nagagawa."

"Ang daming pinagdaan ng pelikulang 'to, so thankful kami expecially kay Direk and everyone behind it kasi naging patient sila sa'min. Sobrang ups and downs, kaya nung natapos yung film, 'Thank You Lord, at sa lahat ng nandyan na naging support system namin,'" sabi ni Elisse.

Dagdag pa ng aktres, nagka-ayos na sila ngayon ni McCoy, "Okay naman po, siguro dahil nga nabigyan na ng time. Nakakangiti na kami ngayon, nakakatawa, so yun yung importante for me, para maging completely kumportable kami."

Para naman sa Hashtags member at aktor na si McCoy, "Sa buong shooting namin, meron bati kami, meron din hindi kami bati, meron namang na-miss namin ang isa't-isa kaya panay lambingan lang kami doon. Kaya nung mga huling shooting days, na-realize namin na pagkawork, work talaga." 

Mula sa direksyon ni JP Habac, pagbibidahan ng McLisse ang bagong pelikulang Sakaling Maging Tayo na unang inanunsyo noong December 2017. Ito rin ang pinakaunang pelikula nina Mccoy De Leon at Elisse Joson bilang loveteam. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you METRO for having us ❤️

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn) on

 

Samantala, nilinaw din ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon noon. Ayon kay Elisse, hindi naging tradisyunal ang panliligaw ni McCoy at may sarili itong paraan ng panunuyo. "May iba iba kasing ways ng panliligaw di ba, sa kanyang sariling paraan, meron siyang ibang paraan. Pero yung typical old style na manliligaw, para hindi nangyari yun," sagot ni Elisse sa press.

Para kay McCoy, 'label' na lang ang kulang at maituturing na nilang naging opisyal na silang magkasintahan noon. "Yung nangyari sa'min parang naging kami na rin e. Yung ginagawa namin, paano kami mag-usap, so yun nga kulang na lang yung label," pag-amin ni Mccoy.

Parehas ng masaya ngayon sina Elisse at McCoy dahil ipalalabas na rin ang kanilang pelikula sa mga sinehan sa darating na January 16. 

Wala man update ang susunod na proyekto ang McLisse, patuloy na mapapanood ang dalawa sa magkahiwalay nilang mga teleserye sa ABS-CBN. Si Elisse Joson sa Ngayon at Kailanman, at si Mccoy De Leon sa FPJ's Ang Probinsyano, tuwing gabi sa Primetime Bida.