• Home
  • Fresh Scoops
  • MC at Lassy, bakit palaging kasama ni Vice Ganda sa pelikula?

MC at Lassy, bakit palaging kasama ni Vice Ganda sa pelikula?

MC at Lassy, bakit palaging kasama ni Vice Ganda sa pelikula? Hangad ni Vice Ganda na mag-ningning din ang talento ng kanyang mga kaibigan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/5/2019 12:59 PM
MC at Lassy, bakit palaging kasama ni Vice Ganda sa pelikula?


Labis na pasasalamat ngayon ang nararamdaman ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa tagumpay na tinatamasa ng kanyang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Fantastica.

Matatandaan na sa tweet ni Vice, 400 million na ang naabot sa takilya ng kanyang MMFF entry.

Pero para kay Vice, dahil ito sa nagsama-samang husay ng kanyang mga kasama sa pelikula gaya nila MC at Lassy.

Sa huling panayam ng PUSH at entertainment bloggers, pinuri ni Vice ang talento ng kanyang mga kasamhan na sina MC at Lassy na personal choice niya na laging isama sa pelikula.

Ayon kay Vice, nais niya na mapansin din ang galing sa pagpapatawa ni MC at Lassy na kapwa produkto din ng comedy bar kung saan nagsimula si Vice noon.

“Gusto ko mapansin sila. Kasi ako din, ganun din ako dati, saling pusa lang ako e. ‘Tas napansin ako, ganun din ang gusto ko mangyari sa kanila. Sana mapansin din ‘yung dalawa kasi ang galing galing nila, e kung hindi ko sila isasama, sino mag-sasama sa kanila?” pahayag pa ni Vice.

Sa ngayon, patuloy pa din na napapanuod sa mga sinehan ang mga pelikula ng 2018 Metro Manila Film Festival na tatagal hanggang sa ika-pito ng Enero.