• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino sinabihan ang mga basher na tigilan na sila ni Vice Ganda

Kris Aquino sinabihan ang mga basher na tigilan na sila ni Vice Ganda

Ipinost ni Kris Aquino ang text ng kanyang anak na si Bimby dahil sa intrigang dinededma niya ang pelikulang 'Fantastica' ni Vice Ganda

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/5/2019 7:06 PM
Kris Aquino sinabihan ang mga basher na tigilan na sila ni Vice Ganda


Photo credit: @krisaquino IG

Hindi na naman napigilan ni Kris Aquino na sagutin ang isyung ipinupukol sa kanya ng ilang netizens na related kay Vice Ganda. Last year pa napag-usapan na may gap umano ang dalawa pero pinatunayan nina Kris at Vice na sila'y magkaibigan pa din kahit di man palaging nagkakasama. 

READ: Kris Aquino, naiyak sa pagkikita nila ni Vice Ganda

Pero 'di natahimik ang ilang bashers na tila binigyang kulay ang pagbibigay ni Kris ng block screening sa mga Metro Manila Film Festival (MMFF) entries nina Kim Chiu (One Great Love), Harlene Bautista (Rainbow's Sunset) at Toni Gonzaga (Mary Marry Me). 

Sa kanyang Instagram post nitong January 5, sinabi ng Queen of All Media na para matapos na ang usapang may hidwaan sila ni Vice ay pinost na niya ang screenshot ng messages ng komedyante at ng kanyang anak na si Bimby tungkol sa kagustuhan nitong ipa-block screening din ang pelikulang Fantastica.

"Dahil ito ang katotohanan. Because my bunso sincerely loves @praybeytbenjamin, his Tito Vice. I asked to see his phone, and asked Bimb’s permission if I may post his text exchange w/ Tito Vice. Kung ako lang ang iintrigahin- honestly, care bears. But my 11-year-old still has a pure heart and I’ll do all I can to keep it that way ... Inuna ni Bimb as you can see December 26 yung text nya offering a Fantastica block screening. Now please stop bullying us, for this issue -- MALI KAYO," sabi ni Kris sa kanyang post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Dahil ito ang katotohanan. Because my bunso sincerely loves @praybeytbenjamin, his tito vice. i asked to see his phone, and asked bimb’s permission if i may post his text exchange w/ tito vice. Kung ako lang ang iintrigahin- honestly, care bears. But my 11 year old still has a pure heart & i’ll do all i can to keep it that way... Inuna ni bimb as you can see December 26 yung text nya offering a Fantastica block screening. Now please stop bullying us, for this issue- MALI KAYO. Sa mga magsasabing bakit ako pumatol at nagpa stress, SIMPLE- because i realize it is your goodwill that sustains us so you deserve an opinion BUT more than that what’s at stake is bimb’s friendship w/ his tito vice. i think by now obvious- for my sons kayang manindigan, magsumikap, makipaglaban at magpakumbaba. THANK YOU, Next?

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Pati si Vice, na pabalik pa lang ng Pilipinas mula sa trip nila ng kanyang ina sa Europe, ay hindi napigilang mag-reply sa pinost ng aktres. 

"Naku, ano na namang isyu ito! Utang na loob, kakasimula lang ng taon itigil niyo na ang pag-iisip ng masama sa kapwa. Maayos ang relasyon namin at mga bata (wow parang mag-asawa ang datingan lol!) Kaya please wag niyo na i-stressin ang mga sarili niyo tungkol sa 'min," comment ni Vice.  

Sinagot din ni Kris ang post ni Vice at naikwento pa ang naiisip niyang reunion film nila ng It's Showtime host kapag nag-13 years old na si Bimby. 

Sa ngayon palabas pa din sa mga sinehan nationwide ang MMFF entries kabilang ang Fantastica, na kumita na ng P300 million sa box-office.